ni Jasmin Joy Evangelista | January 25, 2022
Permanente nang suspendido ang Twitter account ng internet personality na si Jam Magno dahil sa mga paglabag.
Ayon kay Magno, na kilalang supporter ni Pangulong Duterte, nagulat siya nang mapag-alamang sinuspinde ang kanyang Twitter account.
Sa isang screenshot na ibinahagi ng internet personality sa kanyang Facebook account na kalaunan ay binura rin, sinabi ng Twitter na ang naturang account ay lumabag sa Twitter Rules na naging dahilan ng permanenteng suspensiyon nito.
“Your account is permanently in read-only mode, which means you can't Tweet, Retweet, or Like content. You won't be able to create new accounts,” ayon sa warning nito.
Samantala, hindi sigurado si Magno kung ito ay dahil sa kanyang pagsuporta kay presidential candidate Bongbong Marcos o dahil sa hindi nito pagpabor kay Vice President Leni Robredo.
“HOW ON EARTH DID THIS HAPPEN? Uhm, should I be shocked? They just talked about this at the BBM interview. Am I part of the 300? I am 5000000 confused. Is it because I tweet against Leni? And because I like BBM?” ani Magno.
Noong May 2021, si Magno ay na-ban din sa video-sharing site na TikTok matapos umano ang “multiple violations of community guidelines.”
Comments