ni Ador V. Saluta @Adore Me! | August 9, 2023
Naipanalo ng mga Jalosjos ng Television and Production Exponents, Incorporated (TAPE, Inc.) ang kaso laban kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon kaugnay ng renewal of registration ukol sa pagke-claim ng kanilang trademark, ang Eat… Bulaga! na patuloy pa ring umeere at mag-e-expire na sana ang kontrata sa Kapuso Network ngayong taon.
Ayon sa legal counsel at abogada ng TAPE, Inc. na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, natanggap ng kanilang kampo noong August 4 ang certificate of renewal of registration para sa EB! at naisyuhan pa sila ng 10 years para magpatuloy ang programa sa GMA-7.
Sa bisa ng certificate of renewal, hanggang 2033 pa eere ang programa nina Paolo Contis, Mavy at Cassy Legaspi sa Kapuso Network.
Pahayag ni Atty. Garduque, “Yes, we received the renewal of certificate yesterday. Since it has a term of 10 years, so TAPE, Inc. owns the trademark of Eat… Bulaga! until 2033.”
Dagdag pa ni Atty. Garduque, “Marami kasi ang nagsasabi na since nag-expire ang registration ng TAPE sa Eat… Bulaga! trademark, free-for-all na ito. That is not true. TAPE, Inc. renewed and we’re happy na na-issue na ang certificate of renewal which makes TAPE, Inc. the continuous owner of Eat… Bulaga! trademark until 2033.
“Importante ito kasi, kumbaga, sa lupa, (ito) ang certificate of registration and in this case, certificate of renewal of TAPE ay siyang titulo niya to prove its ownership over the trademark of Eat… Bulaga!”
Aniya pa, “From the start, Intellectual Property Office (IPO) recognized TAPE as the prior registrants of Eat… Bulaga! trademark. This renewal is a testament that TAPE was and remains the registered owner of the trademark Eat… Bulaga!”
Nangyari ang “agawan” sa titulong Eat… Bulaga! base sa kasong inihain nina Tito, Vic at Joey (TVJ) laban sa TAPE, Inc. at GMA-7 kung saan ay ipinapakansela ng tatlong veteran hosts ang trademark ng EB!, pati na rin ang logo ng programa.
Tiyak na tatagal pa ang pagdinig sa iba pang kasong isinampa ng TVJ laban sa mga Jalosjos hanggang September 2023.
Comments