ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Feb. 22, 2025
Photo: Tito Sotto at Ely Buendia - FB, IG therealangelocsin
Time-out muna sa Eat… Bulaga! (EB!) si Tito Sotto dahil nga muli siyang sasabak sa pulitika. He’s running for senator ngayong 2025 elections sa ilalim ng partidong Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.
Ayon kay Tito Sen nang makausap ng entertainment press sa mediacon for senatorial candidates ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, for 3 straight solid years matapos ang 2022 elections ay talagang nag-enjoy siya sa muling pagho-host ng EB!.
“The last 3 years, we have definitely enjoy the therapy of Eat… Bulaga!. Enjoy kami roon. And we’re very fortunate to win all the cases we filed,” sey ni Tito Sen.
Ito nga rin kasi ang panahong nagkaroon sila ng battle para sa copyright infringement ng EB! matapos nga ang pag-alis nila nina Vic Sotto at Joey de Leon sa TAPE, Inc., ang producer ng noontime show, at lumipat sila sa TV5.
Ngayon ay panahon naman para bumalik siya ulit sa Senado kaya naman muli siyang tumatakbo para sa nasabing posisyon.
Wala naman daw siyang nararamdamang awkwardness sa pagbabalik niya sa public service.
“I was always in touch with my colleagues in the Senate. As a matter of fact, hindi naman nawawala sa pagkuwento ang mga dating senador, lalo na ‘yung mga inabutan ko r’yan,” saad ng iconic TV host-comedian.
Samantala, naitanong din kay Tito Sen ang tungkol naman sa issue ng isa pang OPM icon na si Ely Buendia.
Dahil nga sa muli na namang nauungkat ngayon ang pagkamatay ng dating sexy star na si Pepsi Paloma, isa rin sa mga muling nabuhay ay ang diumano’y ‘myth’ sa hit song ng dating grupo ni Ely na Eraserheads na Spoliarium.
Noon pa nga usap-usapan na diumano’y ginawa raw nina Ely ang nasabing kanta para kay Pepsi dahil ang ilang lyrics umano nito ay tumutukoy sa alleged rape case ng yumaong sexy star.
Sinagot naman ito agad ni Ely sa isang presscon kamakailan at sinabing walang kinalaman ang TVJ at si Pepsi sa Spoliarium. Aniya ay idolo niya ang nasabing iconic trio at tinawag pa niyang ‘my heroes.’
“I was really heartbroken when that thing came out because I was such a huge fan of… they were my heroes. And I wouldn’t dream of writing a song to, you know, to tarnish my heroes,” pahayag ni Ely.
“So I think that’s the most ridiculous and real mean thing until today. That’s not about them, it’s not about Pepsi,” pahayag pa niya.
Nahingan ng reaksiyon si Tito Sen sa sinabi ni Ely na tinitingala niya ang TVJ at itinuturing na mga bayani sa music industry.
“Oh, thank you so much. Thank you so much,” saad ni Tito Sen.
Sey niya, “Pero sila ang mga bagong heroes ng entertainment industry, especially the music industry. Sila naman ‘yun. And the feeling is mutual.”
Aniya pa, “Yeah, yeah, we love his music. We support his music, and ‘yung grupo nila noon.”
Papasukin na rin ni Dingdong Dantes ang food business dahil nakatakda siyang magbukas ng sarili niyang franchise ng Mesa Restaurant very, very soon.
Ito ang inanunsiyo ng aktor last Thursday (Feb. 20) sa muli niyang pagre-renew ng kontrata bilang ambassador ng nasabing Filipino restaurant.
Sa ngayon ay nasa 80 branches na ang Mesa at sey ni Dong, pang-88 branch na ang kanyang bubuksan bilang bahagi ng “road to 100” campaign ng resto.
“Para sa ‘kin, mas espesyal ang signing na ito dahil for me, it also signifies officially my inclusion du’n sa history ng Mesa as a brand. Dahil napag-usapan namin a couple of years ago, ‘pag tama na ang opportunity, eh, s’yempre, bilang proud ambassador, kailangan talagang meron akong physical evidence na parte talaga ako ng Mesa.
“So, I just wanna announce and also tell everyone na I will soon be one of the proud partners of branch 88 ng Mesa which will be announced very, very soon ang ating location,” pahayag ni Dong sa contract signing na ginanap sa Mesa Restaurant at Greenbelt 5.
Bagama’t hindi pa sinabi ng aktor ang exact location ng kanyang restaurant, he hinted na ang gusto raw nila ng asawang si Marian Rivera ay malapit lang sa school ng kanilang mga anak.
“Sana malapit du’n ang mahanap natin para maging tambayan namin ni Marian ‘yun kapag nag-aantay kami,” natatawang sabi ni Dong.
Excited na nga raw si Marian sa bubuksan nilang franchise since mahilig ding magluto ang kanyang misis. Nagtanong nga raw ito kung puwede bang mag-suggest ng menu.
Ayon kay Dong, gustung-gusto niya ang menudo ni Marian kaya hopefully ay mapasama ito sa menu ng bubuksan nilang restaurant.
“Para sa ‘kin, very memorable nu’ng unang beses akong nilutuan ni Marian ng kanyang menudo. Dahil ano ‘yan, eh, recipe pa ‘yun ng kanyang lola. So, ikinuwento n’ya sa ‘kin ‘yung history ng kanyang menudo. Sabi ko, ‘Wow, napakasarap.’ So, ‘yun ‘yung parati kong inire-request sa kanya,” kuwento ni Dong sa menudo ni Marian.
Aminado ang aktor na hindi pa siya nagluluto at dream daw niya na matuto or mag-take ng crash course on cooking. Pero mukhang hanggang pangarap na lang daw ‘yun dahil ipauubaya na niya ‘yun sa magagaling magluto talaga.
Samantala, 6 years nang ambassador si Dong ng Mesa at ayon nga sa isa sa mga owners na si Mr. Eric Dee, hindi lang purely work ang kanilang relasyon kundi naging magkaibigan na rin sila.
“Never akong nagkaproblema dealing with Dingdong, he’s always a text away, he’s always a phone call away. Sometimes nga, s’ya ‘yung tumatawag, ‘di ko pa nasasagot, eh.
“But you know, it’s become more than just a business relationship but more of a friendship. So, we’re very happy to prolong this relationship with him and grow the brand with him,” pahayag ni Mr. Dee.
Comments