top of page
Search
BULGAR

TV host, mas pumayat… KRIS AT 2 ANAK, POSITIVE SA COVID SA US

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | July 1, 2022



Matapos umalis ng bansa para magpagamot sa USA noong nakaraang buwan, nagbigay ng update si Kris Aquino sa kanyang Instagram page kahapon tungkol sa kanyang kalusugan.


Nag-post siya ng isang video ng collage of photos kung saan ay makikitang sumasailalim siya sa iba’t ibang medical procedures tulad ng blood extraction and COVID-19 tests.

Makikita rin sa video na mas pumayat pa ngayon si Kris kaysa noong huling post niya bago umalis ng bansa.


Sa caption ay pansamantalang namaalam si Kris sa kanyang mga followers at saka na lang daw siya babalik sa social media kapag may good news na.


“For now, 12 noon, June 29, 2022 where we are-this is what I felt you needed to know, straight from me para alam ng lahat ito ang totoo.


“This isn’t a permanent goodbye, ibalato n'yo na lang hanggang malagpasan namin itong matinding pagsubok. Thank you for all your prayers- I am forever #grateful.


“Promise, 'pag may good news ako, after thanking God & telling my sisters & my trusted friends- you’ll see a post from me. In God’s perfect timing…” ang pahayag ni Kris.


Sa dulo ng video ay may open letter si Kris para sa yumaong kapatid na si former President Noynoy Aquino. Binati niya ito sa kaarawan nito at idinetalye niya ang kanyang mga nararamdaman kabilang na ang kanyang health condition.


Dito rin niya ibinalita na nagpositibo silang mag-iina sa COVID-19.


“Kuya Josh tested positive for [COVID-19] on June 20. Nurse took his temperature then they got antigen kits, tested him first because he was so unlike himself. He was just lying down, on the sofa, no energy to play or watch YouTube on his phone,” kuwento ni Kris.


Natutulog daw siya nang mga oras na ‘yun at ginising lang siya ng nurse para nga sabihin sa kanya na nagpositibo si Joshua at pinahihiwalay sila ni Bimby ng tirahan para hindi na sila mahawa.


Kahit masakit sa kanya ay iniwan nila si Josh at lumipat ng hotel. May mga nag-aalaga namang nurse sa anak and assured her na masu-survive naman ito ng kanyang panganay.


Nagpa-test daw sila ni Bimby for COVID-19 at ang unang resulta ay negative naman. But after a few days ay sumama na rin ang kanyang pakiramdam. Nagpa-test ulit sila at nagpositibo na ang result.


Pero alam daw niyang makaka-survive silang mag-iina sa COVID-19 dahil sa panahong iyon ay death anniversary ni Noynoy.

“Since this was already your death anniversary, somehow I felt reassured knowing that the three of us would get through this new ordeal especially because you would never allow us to have a death date so close to yours,” sey ni Kris na obviously ay nagbibiro.


Sa kasalukuyan ay nagpapagaling pa silang mag-iina from COVID-19 at kapag COVID-free na raw siya ay saka sila magdedesisyon kung saang hospital siya magpapagamot para naman sa kanyang mga health issues.


Addressing her followers, ani Kris, “Ngayon alam n'yo na through my open letter to Noy - what Kuya Josh, Bimb and I must face in the next year and a half. . .


“Please know that I remain THANKFUL for all the concern and prayers you have sent our way BUT during very difficult times, I want to just keep the suffering to myself with only family & trusted friends kept informed on a ‘need to know basis’ because everyone else is also going through their own personal trials - ang hirap ng buhay para sa marami, nakakahiyang maging pabigat pa ‘ko.


“I know me, impossible na hindi ako umamin 'pag hirap na hirap na - so for now FOCUS tayo on ourselves... we all have problems, we all have worries, and we all have hardships.


“God bless us all. Until our REUNION…” ang pagtatapos ni Kris.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page