top of page
Search
BULGAR

TV exec na inireklamo ng pangmomolestiya, protektado raw ni Luchi… SEN. TULFO, GAME MAG-RESIGN SA TV5

ni Ambet Nabus @Let's See | August 12, 2024



Showbiz News
Photo: SS / Raffy Tulfo in Action

Meanwhile, kumbinsido ang aming kausap sa TV5 na seseryosohin nga ni Senator Raffy Tulfo ang hamon nitong magre-resign sa network kung sakaling hindi raw bibigyan ng balanseng pansin ang reklamo ng isang talent.


Isang male talent nga ang lumapit sa programa ni Sen. Tulfo na humihingi ng tulong sa diumano’y pangmomolestiya na ginawa rito ng isang Cliff Gingco, isang top executive ng News Department ng TV5.


Ayon sa lalaking biktima, siya diumano’y ‘nilasing at pinagsamantalahan’ sa isang hotel at kahit nagreklamo na siya sa HR at ilang mga bossing sa network, hanggang sa barangay at police, tila raw hindi siya binigyan ng pansin.


Sa pagharap niya sa show ni Sen. Tulfo, naianunsiyo pang tila pinoprotektahan umano ng big boss na si Luchi Cruz-Valdes si Gingco dahil sa payo ritong huwag magbibigay ng pahayag on air.


Dahil dito, nakapaghamon si Tulfo na magre-resign. Aabangan ng marami ang mga susunod na kabanata.


 

Kinumpirma nga ni Star for All Seasons Vilma Santos-Recto na mayroon siyang sisimulang pelikulang gagawin sa direksiyon ni Dan Villegas kasama si Antoinette Jadaone.


Sa muling pagharap ni Ate Vi sa media nu’ng inagurasyon ng Vilma Night sa Archivo 1984, naikuwento nitong anytime soon ay gigiling na ang mga kamera for the said movie.


Although nilinaw din ni Ate Vi na wala silang hahabuling deadline o playdate, pang-MMFF man o ano dahil aniya, “Ayoko ng pressure. Gagawin ko ‘yung movie dahil maganda at makabuluhan siya, naiiba at hindi ko pa nagagawa ang ganu’n. Abangan na lang natin.”


 

ANG Archivo 1984 ang gallery na personal na pinamamahalaan ni Dr. Marty Magsanoc, isang film enthusiast at collector ng mga memorabilia tungkol sa showbiz.


Galing sa angkan ng mga showbiz and media sector si Doc Marty. Pinsang buo siya ng kapatid-kaibigan nating si Dolly Anne Carvajal dahil anak siya ng pamosong editor-in-chief dati ng pahayagang Philippine Daily Inquirer na si Tita Letty Magsanoc na kapatid naman ng yumaong si Ate Luds o Inday Badiday.


Noon pa man ay hilig na ni Doc. Marty ang mangolekta ng mga movie posters, still photos, paintings, betamax, VHS, CD and DVD to now USB, published articles, magazines, etc. na may kinalaman sa local showbiz.


At dahil isa rin siyang Vilmanian, ang mga hard to find at mga naipon niyang Vilma Santos memorabilia ang una niyang inilagay sa gallery at ngayo’y bonggang-bongga ngang naka-display sa naturang Archivo 1984 sa Makati City.


Kaya para sa mga Vilmanians at iba pang gustong makita ang pambihirang koleksiyon na ito on Ate Vi’s TV and film career form the 1960s to the present, tara na sa Archivo 1984.


Ang ilan sa mga espesyal na friends na namataan namin sa opening ng Vilma Night ay sina kapatid Pipo at Ate Lynn Cruz, Agot Isidro, Dindi Gallardo, Direk Boots Plata, Ed Lingao at ilan pang foreign media na noon pa amazed na amazed sa career ng isang Vilma Santos-Recto.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page