BAHA NU’NG ONDOY.
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 26, 2021
Kapag ganitong walang tigil ang ulan sa buong Metro Manila at sinabayan pa ng lindol ay bumabalik sa alaala ng aktres na si Cristine Reyes ang sinapit niya noong Bagyong Ondoy nu’ng 2009 kasama ang mga pamangkin at ina kung saan 24 oras siyang nasa bubong ng bahay nila na nanginginig sa ginaw, walang kain o tubig na maiinom man lang dahil lubog sa tubig-baha ang buong Marikina City.
Maraming gustong tumulong noon sa aktres pero hindi nila alam kung paano siya pupuntahan para sunduin dahil walang sasakyan na puwedeng sumuong sa lagpas-bubong na tubig-baha.
Dumating noon ang leading man ng aktres na si Richard Gutierrez sa pelikulang Patient X na sakay ng pump boat bandang 1 AM sa Provident Village, pero hindi nito nakita si Cristine dahil sobrang dilim at ang lakas ng current at bandang 3 AM, nang humina na ang ulan ay siyang dating naman ng mga volunteer workers mula sa Olongapo City — ang Subic Bay Disaster Management Committee of the Subic Bay Metropolitan Authority o SBMA na kasama ng aktor para sunduin ang dalaga.
Kaya aminado ang aktres na hindi nawawala ang trauma niya sa mga panahong tulad nito na walang tigil ang ulan dahil kawawa ang mga kababayan nating biktima ng baha.
Nag-post si Cristine ng quote card sa kanyang IG account na may nakalagay na: “She became strong by herself.”
At ang caption niya: “Living on top of a building and then waking up with an earthquake made me jump out of my bed feeling so terrified.
“This weather gives me anxiety. It reminded me of the devastating flash flood caused by Typhoon ‘Ondoy’. I have seen people got locked up trying to break their own windows and heard people screaming for help until you hear them no more, some drowned and some like me was able to swim fast whilst assisting my precious little nieces, little sister and my mom. We all climbed up on the roof with baby snakes and rats dangling on my/our body. It was horrible and traumatic.
“In times like this… when you have no control of things around you. There’s only one thing I consistently do. I speak to HIM.
“Bihira akong manalangin pero naiiyak ako kasi kahit minsan lang ako lumapit, palagi Siyang ‘and’yan. Palagi Niya akong sinasamahan. Siya talaga ang sandalan nating lahat.”
Ang real Darna ng showbiz na si Angel Locsin ang unang nagkomento sa post na ito ng aktres, at aniya “Labyu, AA (heart emoji).”
Komento naman ni Maxene Magalona, “Sobrang totoo ‘to (emoji praying). Sending you love. God bless you, AA.”
Sey naman ni Jan Marini, “He who dwells in the secret place of the Most High shall abide under the shadow of the Almighty. I will say of the Lord, ‘He is my refuge and my fortress; My God, in Him I will trust.’ Surely He shall deliver you from the snare of the fowler and from the perilous pestilence.”
Marami pang ibang celebrities ang nagpahayag ng suporta kay Cristine.
댓글