top of page
Search
BULGAR

Tutok pa rin sa pag-e-ensayo si Sotto para sa pangarap na NBA

ni ATD - @Sports | March 24, 2021




Walang ibang ninanais si Pinoy cager Kai Sotto sa ngayon ay ang maabot ang pangarap na makapaglaro sa NBA.


Kaya naman patuloy ang pagsasanay at pagpapalakas nito ng katawan, kahit hindi nakalaro sa nakalipas na NBA G League season ay hindi nawawala ang kanyang determinasyon.


Makikita sa social media nitong Lunes na katuwang ng 7-foot-3 big man sa training ang trainer nina NBA stalwarts Andre Drummond, Trevor Ariza at iba pa na si Stanley Remy. "Potential is only potential if you work hard to make it a reality. Great work this weekend @kzsotto, the sky is truly the limit," caption ni Remy sa isang larawan na kanyang pinost sa Instagram kasama si Sotto.


Mababasa rin sa post ng East West Private ang isang imahe kung saan ka-video call ni Sotto si Drummond ng Cleveland Cavaliers.


Samantala, hindi muna babalik sa bansa si Sotto para sa Gilas Pilipinas training bubble sa Calamba, Laguna upang pagtuunan ang kanyang training sa Amerika.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page