ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 2, 2021
Nakapagtala ang Vietnam ng unang kaso ng bagong variant ng COVID-19 mula sa United Kingdom, ayon sa health ministry ng naturang bansa.
Na-detect ang bagong variant ng COVID-19 sa babaeng 44-anyos na galing sa Britain. Sumailaim sa quarantine ang naturang pasyente at nakumpirmang positibo ito sa COVID-19 noong December 24.
Ayon din sa health ministry, "Researchers ran gene-sequencing on the patient's sample and found the strain is a variant known as ‘VOC 202012/01’".
Ayon sa mga siyentipiko, ang bagong variant ng COVID-19 ay pinaniniwalaang mas mabilis kumalat nang 40-70% kumpara sa orihinal na virus.
Samantala, tuloy pa rin ang repatriation flights ng Vietnam para makauwi ang kanilang mga kababayan mula sa UK.
Comments