ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | january 7, 2024
Lubhang nakakabahala ang epekto ng malawakang krisis sa enerhiya sa Western Visayas sa industriya ng turismo at lokal na mga negosyo.
Bilang chair ng Senate Committee on Tourism, tinututukan natin ang mga ulat na marami nang mga turista ang kinakansela ang kanilang mga booking para sa kanilang bakasyon.
‘Yung panay-panay ng brownout will always be a big concern. Alam natin na minsan hindi naman na natin ito makokontrol pero ang palagiang pagkawala ng kuryente ay malaki ang negatibong epekto sa pag-promote natin sa ating bansa bilang isang frills-free holiday destination.
Hindi ba’t bilang mga turista, gusto mong mag-enjoy na lang at gumawa ng mga magagandang alaala sa iyong bakasyon?
Sa kasamaang palad, perhuwisyo pa ang nangyayari dahil nga sa laging nawawalan ng kuryente.
Napakahirap i-promote ng turismo kung may mga ganitong unreliable power supply.
Ang nakakalungkot pa rito, karamihan sa mga malubhang naaapektuhan nito ay ang mga maliliit na resorts na wala pang kakayahan na mag-invest sa alternative power source.
Bukod dito, halos sa buong Pilipinas marami pa ring nasa sektor ng turismo ang kababangon lang mula sa pandemya —and admittedly, most of them are not prepared to deal with the increasing threat of power disruption, especially those in the island resorts.
☻☻☻
Ang nararanasang power crisis sa Western Visayas ay malinaw na senyales na napag-iiwanan ang bansa pagdating sa paglatag ng solusyon sa enerhiya.
It can be clearly taken as a sharp reminder na kailangan nating seryosong maghanap ng mga long-term solution para matugunan ang problema sa kuryente.
Hindi na ito basta wake-up call. Magiging bangungot na ito ‘pag ‘di pa rin natin naayos ang supply ng kuryente natin.
☻☻☻
Patuloy pa rin tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask ‘pag kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Be Safe.
Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
留言