top of page
Search
BULGAR

Turismo, umaarangkada

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Jan. 9, 2025



Be Nice Tayo ni Nancy Binay

Good news para sa sektor ng turismo, sapagkat mukhang tuluy-tuloy ang pagbangon natin mula sa dagok ng pandemya.


Ayon sa Department of Tourism (DOT), nagtamo ng all-time high na P760.5 billion ang tourism revenue ng bansa nitong 2024.


Nalagpasan nito ang tinatayang P600.01 billion na revenue noong 2019 ng 26.5 percent.


☻☻☻


Sa kabilang banda, hindi natin naabot ang target na 7.7 million tourist arrivals dahil nasa 5,949,350 foreign visitors ang dumating sa Pilipinas noong 2024.


Mas mataas ito ng 9.15 percent sa 5.45 million foreign tourist arrivals na naitala noong 2023.


Mga taga-South Korea ang top visitor natin -- 1,574,152 ang dumalaw na bumubuo ng 26.46 percent ng total market share.


Ang United States naman ay pumapangalawa, na may 1,076,663 tourist arrivals.

Lumabas din umano ang Japan bilang standout market dahil sa 22.84 percent na pagtaas sa tourist arrivals, na umabot sa 444,528 visitors mula 361,862 noong 2023.


☻☻☻


Magandang simula sa taon ang balitang ito ng DOT. 

Umaasa tayo na ngayong 2025 ay lalo pa nating mahigitan ang mga numero noong 2024.


Pasasalamat at pagpupugay sa ating mga stakeholders sa tourism sector sa masigasig ninyong pagkilos upang itampok ang ating bansa.


☻☻☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!

FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Komentar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page