top of page
Search
BULGAR

Turismo ng ‘Pinas, patuloy na umaarangkada

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | April 21, 2024




SA datos mula sa Department of Tourism (DOT), patuloy na umaangat ang industriya ng turismo sa ating bansa.


Kamakailan naglabas ang DOT ng datos na nagpapakita ng regional distribution of overnight travelers as of March 7, 2024.


Dito makikita na nangunguna ang NCR at Cebu province (kasama ang Cebu City, Lapu-Lapu City at Mandaue City) bilang mga lugar na may pinakamalaking bilang ng overnight travelers.


Sa nasabing panahon, nakatanggap ang NCR ng 6.35 million travelers samantalang ang Cebu province naman aY nakatanggap ng 4.03 million.


Kung foreign travelers lamang ang bibilangin, nangunguna pa rin ang NCR na nakatanggap ng 2.1 million at 1.45 million naman para sa Cebu.


Bukod sa NCR at Cebu, ang pinakapopular na mga lugar na pinupuntahan ng foreign travelers ay Palawan (kasama ang Puerto Princesa) at 680,895; Pampanga (kasama ang Clark freeport zone, San Fernando City at Angeles City) at 583,743; Aklan (kasama ang Boracay Island) at 428,704; and Bohol at 325,499.


☻☻☻


Kapansin-pansin sa datos na ito na naungusan na ng ilang lugar gaya ng Palawan ang Aklan (Boracay).


Ayon sa ilan, ito ay marahil sa rami ng tourist fees at ang mahirap na access mula sa airport papunta sa mga resorts.


Umaasa tayo na sa paglabas ng datos na ito, gagawa ng paraan ang DOT at ang lokal na pamahalaan ng Aklan para tugunan ang hinaing ng mga stakeholders.


Sa huli, makakaasa kayo sa inyong lingkod na buo ang aking suporta para sa ikauunlad ng turismo at maging sa ekonomiya ng ating bansa.


☻☻☻


Patuloy pa rin tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask pag kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Be Safe. Be Well. Be Nice!

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

ความคิดเห็น


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page