top of page
Search
BULGAR

TUPAD, dapat bantay-sarado

by Info @Editorial | Dec. 19, 2024



Editorial

Masasabing isa sa magandang programa ng gobyerno ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD. 


Produkto ito ng 2009 General Appropriations Act (GAA) at ang nag-iimplementa ay ang Department of Labor and Employment (DOLE).


Isa itong emergency employment program na layuning tulungan ang mahihirap na walang trabaho o mga nawalan ng kayod dahil sa kalamidad at iba pang kadahilanan. 


Ang mga benepisyaryo ng programa ay mabibigyan ng pansamantalang trabaho at ang suweldo ay nakabatay kung ano ang umiiral na minimum wage.


Gayunman, hindi nawawala ang mga isyu sa nasabing programa.

Ilan sa mga tanong, lahat ba ng benepisyaryo ay talagang karapat-dapat? Nagagawa ba ang trabaho? Naibibigay ba nang maayos ang sahod?


Malaki ang pondong nakalaan sa nasabing programa kaya dapat lang na naipapatupad nang naaayon sa batas kaya kailangang bantayan.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page