top of page
Search
BULGAR

Tumitigil ang paghinga 'pag tulog… DAVID, MAGPAPAOPERA NA

ni Nitz Miralles @Bida | September 12, 2023



Mukhang itutuloy na ni David Licauco ang matagal na niyang plano na pagpapaopera ng kanyang sleep apnea at ang target niya ay pagkatapos ng Maging Sino Ka Man. Parang matagal nang nabanggit ni David ang pagpapaopera na hindi matuluy-tuloy dahil sa puno nga ang kanyang schedule.


“Gusto ko na magpaopera after this show. Hopefully, I find time na magawa ko ‘yun, kasi I think sleep is the best gift by God,” wika ng aktor.


Dahil hindi makatulog nang maayos, naapektuhan ang trabaho ni David, nale-late siya sa mga lakad niya at ang malala pa, inaakalang mataray at suplado siya dahil madalas ay wala siya sa mood na makipag-usap.


Ayon kay David, hirap siya sa umaga, nakakaramdam ng bigat, wala siya sa mood kaya kailangang mag-workout. Ang hirap ng sakit niya na humihinto ang paghinga habang tulog kaya siguro, hindi na lang siya natutulog.


Anyway, makita kaya ng mga viewers sa mga action scenes ni David sa Maging Sino Ka Man ang mga kilos ni Coco Martin?


Kaya namin ito naitanong dahil ang director ng MSKM na si Enzo Williams ay naging director ni Coco sa Ang Probinsyano.


Isa ‘yun sa mga aabangan sa MSKM na tatakbo lang ng eight weeks at 40 episodes. Puno ito ng action scenes na game ginawa ni David.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page