top of page
Search
  • BULGAR

Tuma-timing lang… KRIS, IBUBULGAR DIN ANG TOTOONG DAHILAN KAYA NA-TURN-OFF KAY VG MARC

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 3, 2024



Showbiz News

Isang malaking katanungan para sa amin ang tunay na dahilan kung bakit biglang na-turn-off si Kris Aquino kay Batangas Vice-Gov. Marc Leviste na dati ay puring-puri niya. 


Mahigit isang taon ding nag-effort si VG Leviste na alagaan at bigyan ng moral support si Kris habang nagpapagamot sa California, USA. 


Madalas siyang dumalaw kay Kris upang damayan at pasayahin ito. Pati na ang ibang showbiz friends ni Kris ay si VG Marc ang nakipag-coordinate para madalaw nila ang TV host. Pero, sa breakup din pala nauwi ang lahat. 


Hindi nagbigay ng detalye si Kris kung ano ang bagay na kanyang natuklasan kaya siya nakipag-break. But knowing Kris, tiyak na hindi magtatagal ay isa-isa rin niyang ibubunyag ang dahilan ng breakup nila ni VG Marc. 

Kinumpirma rin niya na last November, 2023 pa nila tinapos ang kanilang relasyon at uuwi na siya ng ‘Pinas by September para ma-meet ang bago niyang boyfriend na doctor na nakabase na rito sa ating bansa. 


 

Wala pa raw 'K'… 

KAMPO NI AI AI, PUMALAG NA SI MELAI ANG MAG-REMAKE NG ANG TANGING INA 


Ai Ai delas Alas at Melai

Sa isang panayam kay Melai Cantiveros, natanong ito kung puwede ba niyang i-remake ang Ang Tanging Ina movie ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas kung sakaling ialok sa kanya ito ng Star Cinema.


Sagot naman ni Melai, walang problema sa kanya, pero dahil ayaw niyang may natatapakan, mas mabuti raw na ibang pelikula na lang ang gawin niya.


Nag-react naman ang mga fans ni Ai Ai sa suggestion na si Melai na lang ang gumawa ng remake ng Ang Tanging Ina. Bagama't nakakatawa rin daw si Melai, iba pa rin kung si Ai Ai mismo ang muling gaganap sakaling gawan ito ng sequel o remake lalo't willing na willing naman daw ang Comedy Queen sa idea.


In fact, kinausap na nga raw nito ang iba pang cast ng Ang Tanging Ina at pumayag na rin ang mga gumanap na anak niya sa movie tulad nina Marvin Agustin, Shaina Magdayao, Carlo Aquino atbp..


At handa si Ai Ai na i-produce ito sa tulong ng iba pang co-producers at sponsors. 


Sey ng mga netizens, tanging si Ai Ai lang ang may karapatan na gumanap sa Ang Tanging Ina, The Reunion movie. Wala raw si Melai sa level ni Ai Ai para pumalit na bilang Comedy Queen. 


Hindi pa ganu’n kalakas ang impact niya sa tao kahit na marunong siyang magpatawa. Iba ang kalibre ni Ai Ai delas Alas pagdating sa comedy.


 

MARAMI ang nagsasabing ‘kinalabit’ ng Diyos ang news anchor-broadcaster na si Arnold Clavio kaya bigla siyang na-stroke nu’ng June 11.


Buo ang akala ni Igan na healthy siya dahil normal naman lagi ang kanyang blood pressure (BP). Medyo nag-diet lang siya nang malaman niya na diabetic siya at malaki ang ibinaba ng timbang. 


Nabigla man si Arnold ay tanggap niya ang nangyari sa kanya at hindi siya nag-panic. 


Sa interview ni Jessica Soho kay Arnold Clavio nang dalawin siya sa ospital, naikuwento ni Igan na nu’ng na-confine siya ay may tumawag sa kanya na tatlong tao na matagal niyang nakasamaan ng loob. Ilang taon din na dinala niya sa kanyang puso ang galit.


Pero, na-realize ni Arnold Clavio na magaan sa pakiramdam ang pagpapatawad at puro good vibes na lang daw ang pairalin sa buhay.


 

HINDI kami gaanong pamilyar sa singer na si Lae Mañego, ang tinaguriang Asia’s Queen of Fire. First time na na-meet namin siya sa isang event kung saan guest siya at kumanta. 


Mataas ang timbre ng boses ni Lae. Naalala namin ang paborito naming Aegis Band. Magaling bumirit at sanay na sanay pala siyang mag-perform kaya naman dinarayo siya at pinanonood saanman mag-show. 


Bukas, July 3, ay may concert si Lae Mañego sa Pier 1, Tomas Morato. Special guests sina Ivy Violan, Jos Garcia at TOSHKA Band. 


Ang An Evening with Lae Mañego ay ididirek ni Nirro Marcelo. 


Well, in demand din si Lae Mañego sa mga shows abroad.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page