top of page
Search
  • BULGAR

Tuluyan nang nahulog… BALAK NA PAG-AMIN SA BESTIE, ‘DI NA DAPAT ITULOY

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | July 4, 2024


Kapalaran Ayon Sa Palad

 

KATANUNGAN

  1. May kasamahan ako sa opisina, kahit na magkaiba kami ng department, palagi pa rin kaming nag-uusap at sabay kung umuwi. Magaan ang loob ko sa kanya, at ganundin siya sa akin.

  2. Kinukuwento niya sa akin ang past at mga manliligaw niya. Minsan humihingi rin siya ng advice sa akin at sinusunod niya naman ang mga payong ibinibigay ko sa kanya.

  3. Maestro, feeling ko magka-compatible kami. Isa pa, masaya kami sa tuwing magkasama kami. Sa darating na birthday ko sa July 16, balak ko na sanang ipagtapat sa kanya ang nararamdaman ko. 

  4. Mahal niya na rin kaya ako? At tama bang sa birthday ko gawin ang pinaplano kong pagtatapat?

  5. Panghuli, siya na kaya ang unang babaeng magiging girlfriend ko? Kung sakaling oo, susuwertehin kaya kami?

 

KASAGUTAN

  1. Hindi naman porke madalas ka niyang kinakausap, gusto ka rin niya, dahil may mga babaeng paasa, habang ikaw naman ngayon ay isang assuming!

  2. Dagdag dito, mayroon lang talagang mga palakaibigan, at friendly na babae, kaya kadalasan nag-a-assume tuloy ang ibang lalaki na may gusto sa kanila ang mga kaibigan nilang babae, pero sa katunayan, wala naman talaga!

  3. Kung saan, maaaring na mi-misinterpret mo lang ang magandang trato at ugali na pinapakita niya sa iyo. Kaya sa sandaling nagtapat ka ng pag-ibig sa kanya, at sabi mo nga ay itutuon o itatapat mo pa sa iyong kaarawan, tulad ng sinasabi ng maliit na bilog na bahagya pang nalatid na Heart Line (Drawing A. h-h arrow a.) sa kaliwa mong palad, malamang na mabigo ka lang sa pinaplano mo. Ang kabiguang nabanggit ay itatala bilang unang





0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page