ni MC - @Sports | August 29, 2020
Inaasahang maibabalik na ngayong Sabado o Linggo ang mga laro sa National Basketball Association (NBA).
Ayon kay NBA executive vice President Mike Bass bumoto na ang mga manlalaro ng team na kasali pa sa playoffs na babalik na sa laro matapos ang ginawang pag-boycott sa laro nitong Huwebes at Biyernes.
Inaasahang magsasagawa ng pulong ngayon ang NBA Board of Governors upang maplantsa ang desisyon para sa muling paglalaro ng mga nag-boycott na players na pinangunahan ng Milwaukee Bucks, Los Angeles Lakes at LA Clippers.
Sinabi ng NBA na aayusin nila ang problema at diringgin ang hinaing ng mga manlalaro upang matapos na nila ang NBA season.
Nitong Huwebes, nagsimulang magsagawa ng protesta ang mga manlalaro na hindi naglaro bilang protesta sa pamamaril ng mga kapulisan ng Wisconsin sa African-American na si Jacob Blake.
Humihingi ng hustisya ang mga manlalaro at sinabing tigilan na ang pagpatay sa mga Black-American matapos barilin ng pitong beses sa likod ang ngayo'y nag-aagaw-buhay na si Blake.
Comments