ni Julie Bonifacio @Winner | Jan. 26, 2025
Photo: Sandro Muhlach - Instagram
Inilunsad sa konsiyerto ni Gerald Santos na may pamagat na Courage ang itinayo nilang advocacy group, ang Courage Movement na para sa mga biktima ng sexual harassment sa lahat ng larangan ng buhay.
Pinangunahan ni Gerald ang paglulunsad ng Courage Movement bilang biktima rin ng sexual harassment sa showbiz.
Nagpadagdag pa sa emosyon ng audience sa launch ng Courage Movement during the concert ang surprise appearance ng dalawa pang celebrities na naging biktima ng sexual harassment na sina Sandro Muhlach at Enzo Almario, former member ng Sugarpop and claims na na-rape siya ng manager nila at the age of 12.
After the concert, nakausap namin si Sandro tungkol sa latest update ng kasong isinampa niya laban sa mga diumano’y nag-take advantage sa kanya sexually at sa paglulunsad ng Courage Movement.
“Very supportive,” diin ni Sandro sa partisipasyon niya sa Courage Movement.
Aniya, “Kasi para naman ‘to sa lahat ng biktima. Hindi lang naman para sa ‘min ‘to. Para sa lahat ‘to.
“So, kung may mga gustong to speak for themselves sa mga nangyari sa kanila, nandito lang ang Courage Movement and PAVE (Promoting Awareness and Victors Empowerment) Philippines para sa kanila.”
Ongoing na raw ang case na isinampa nila kaya as much as he wanted to say a lot ay ‘di puwede because of court’s restriction.
Pero sinabi niya na wala raw nagri-reach out sa kanya para sa out-of-court settlement for the case.
“So, tuloy din ang laban. At saka never ako rin magpapa-settle ng kahit ano. So, lahat, dadaanin namin sa tamang proseso,” mariing sabi ni Sandro.
Ang isa sa mga good news na nalaman namin from Sandro ay ang pagtigil ng bullying sa kanya sa socmed (social media).
“Yes, nag-stop naman na. Pero ano, nag-start lang ‘yung bullying sa mga kamag-anak nila. So, ‘yun lang. Pero wala na. Tumigil na rin naman sila,” lahad ni Sandro.
Wala raw siyang balak idemanda pa ang mga nambu-bully sa kanya, sa ngayon.
“Basta ang focus ko, ‘yung mismong kaso ko lang. Wala na munang, ayoko munang mag-ano, sobrang nakakapagod. Nakaka-stress. I don’t even wanna talk about it,” pahayag ni Sandro.
Samantala, successful ang konsiyerto ni Gerald. Star-studded na maituturing with the likes of Erik Santos, Sheryn Regis and Aicelle Santos-Sambrano as his special guests.
Ini-launch din ni Gerald sa kanyang Courage concert ang kanyang bagong kanta, ang Hubad.
Naging special din ang concert ni Gerald that night sa Skydome dahil sa presensiya ng kanyang US military girlfriend.
Tsika ni Gerald sa concert, kagagaling lang daw nila from Boracay for a vacation.
Again, our congratulations to Gerald and to his manager na si Rommel Ramilo na siya ring nagdirek ng concert.
コメント