top of page
Search
BULGAR

Tuloy ang alyansa ng ‘Pinas-US… P-BBM at President Biden, nagkausap na

ni Lolet Abania | September 23, 2022



Sa unang pagkakataon, nagkausap na sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos at US President Joe Biden sa bilateral meeting sa New York City ng Huwebes (Biyernes sa Pilipinas).


Kasalukuyang nasa US si Pangulong Marcos para sa pagdalo nito sa United Nations General Assembly kasabay na rin ng kanyang working visit.


Kabilang sa mga napag-usapan ng dalawang lider ay ang pagpapalakas pa sa relasyon ng Pilipinas at Amerika, mga isyu sa ASEAN at ang freedom of navigation and overflight sa South China Sea sa harap ng kagustuhan ng China na kontrolin ang nasabing bahagi ng karagatan.


“The leaders discussed the situation in the South China Sea and underscored their support for freedom of navigation and overflight and the peaceful resolution of disputes,” pahayag ng White House makaraan ang pulong nina Pangulong Marcos at President Biden.


Pinasalamatan naman ni Biden si P-BBM sa pagtutol umano nito sa isinasagawa ng Russia sa Ukraine. Gayundin, ang pagdepensa sa inaangking teritoryo sa South China Sea.


“The role of the United States in maintaining the peace in our region is something that is much appreciated by all the countries in the region and the Philippines especially,” saad ni P-BBM.


Batid nang magkaalyado ang Pilipinas at Amerika nang napakatagal na panahon at kinikilala rin ang daang taon na relasyon ng dalawang bansa.


“We feel that we are especially fortunate because we have very strong foundation of a very long relationship and the strong relationships on various facets not only political, not only diplomatic, but also economic,” pahayag ni Pangulong Marcos.


“We continue to look to the United States for that continuing partnership and the maintenance of peace in our region,” ani pa ni P-BBM. Binanggit naman ng White House ang importansya ng alyansa ng US at Pilipinas.


“The leaders reflected on the importance of the US-Philippines alliance. President Biden reaffirmed the United States’ ironclad commitment to the defense of the Philippines,” giit ng White House.


Labis naman ang pasasalamat ni P-BBM kay Biden sa malaking tulong ng Amerika sa Pilipinas sa paglaban sa COVID-19, lalo na sa pagbibigay nito ng mga bakuna sa kasagsagan ng pandemya.


“We had the provision of up to 35 -- almost 36 million doses of vaccines very early on, ahead of some of the other countries,” sabi ni Pangulong Marcos. “And for that we are very, very grateful.”


Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page