top of page
Search
BULGAR

Tulong at dasal, ialay natin sa mga ‘Odette’ victims

ni Sonny Angara - @Agarang Solusyon | December 28, 2021



Una sa lahat, tayo ay nakikidalamhati sa ating mga kababayang hinagupit ng Super Typhoon Odette at patuloy na nananalangin ng kanilang kaligtasan sa kabila ng unos na ito.


Pinadapa ni Odette ang mga rehiyong kinabibilangan ng Regions 4-B, 6, 7, 8, 10 at 13. Sa dami ng mga bayang sakop ng mga rehiyong ito, hindi natin lubos-maisip kung paanong nakararaos ang mga kababayan natin sa araw-araw.


Noong Martes, idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang state of calamity (SOC) sa mga naturang rehiyon at inaasahang tatanggap ng suporta ang mga lokal na pamahalaan ngayong linggong ito. Ito ay upang matiyak na mas mapalalawak pa ang tulong ng gobyerno sa mga nasalanta.


Magba-Bagong Taon, at ito ang sinapit ng mga kababayan natin. Sana, sa mga nakaluluwag sa buhay, mag-abot din tayo ng kaunting tulong o taimtim na panalangin para sa kaligtasan ng ating mga kababayan at ng kani-kanilang lalawigan.


Maikukumpara natin ang tindi ng bagyong ito sa Yolanda, pero mas maraming lugar ang apektado nito. Bagama’t wala pang mga opisyal na report hinggil sa lawak ng nasalanta at nasawi nating mga kababayan, patuloy ang pagbuhos ng mga ulat galing sa mga kinauukulang nakatututok sa suliraning ito.


***


Bago matapos ang buwan, posibleng lagdaan na ni Pangulong Duterte ang panukalang P5.024 trilyong national budget para sa susunod na taon (2022).

Posibleng minamadali na rin ng Pangulo ang pagsasabatas ng budget para makatulong din sa mga sinalanta ni ‘Odette’.

Nabatid natin sa Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) na mamadaliin ng ang paglagda sa proposed national budget para makaagapay din sa mga pangangailangan ng mga rehiyong sinagasaan ng bagyo.

Ayon sa PLLO, maaaring pirmahan ng Punong-Ehekutibo ang Pambansang Budget noong Disyembre 27.

Uunahan na natin ng pasasalamat ang Pangulo sa kanyang ipinakikitang pag-alala sa ating mga kababayan, sa pamamagitan ng agarang paglagda sa 2022 national budget.


 

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa  AGARANG SOLUSYON ni Sonny Angara, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa agarangsolusyon.bulgar@gmail.com

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page