ni Mylene Alfonso @News | Mar. 17, 2025
Photo File: Erwin Tulfo - FB
Numero uno pa rin sa pagka-senador si ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial survey.
Ayon sa Tugon ng Masa survey na isinagawa ng OCTA Research mula Pebrero 22-28, si Tulfo pa rin ang nangungunang kandidato para sa Senado, na may 100% na awareness at 66% na voting preference.
Ang dating kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay patuloy sa pag-arangkada bilang top choice ng mga Pilipino.
Ang pinakahuling OCTA survey ay isinagawa sa 1,200 respondents kung saan pinagbigay sila ng 12 kandidato na kanilang iboboto kung gaganapin ang eleksyon sa panahon ng survey.
コメント