ni Imee Marcos - @Buking | August 3, 2020
Bagama’t kinikilala na ang women empowerment mula pa noong 18th century, hanggang ngayon, hindi maitatangging malaki pa rin ang diskriminasyon sa pagitan ng mga babae at lalaki. Kalerki, ‘di ba?
Eh, ‘di ba nga mga besh, maging ang United Nations, nagpahayag na dapat kilalanin ang karapatan ng bawat kababaihan sa bawat panig ng mundo. Pero meron pa ring umiiral hanggang ngayon ng diskriminasyon sa kababaihan na siyang malaking hadlang sa pag-unlad ng ekonomiya ng mga developing countries tulad ng Pilipinas.
Tulad na lang sa employment. Eh, ‘di ba mga frennie, may mangilan-ngilan pa ring mga kumpanya ang hindi patas ang trato sa mga babae at lalaki. Madalas ang mga kumpanya, prayoridad nila ang mga lalaking empleyado, bakit kamo? Eh, nakikita kasi ng mga company o employer na liability ang babae kasi nabubuntis. ‘Kalokah!
Eh, siyempre, mga besh, kapag nabuntis, may ilalaan sila riyan na mga benefits para sa pagbubuntis at kapag nag-leave na sa trabaho dahil manganganak ay hahanap ng pansamantalang papalit sa kanila. Meaning, ayaw nila maistorbo kaya mas prefer nila ang mga boys sa kumpanya. Hay naku! malaki talagang diskriminasyon.
Lalo na meron nang 105-day maternity leave para sa mga babae. Kaya nga ba sa public hearing ng ating komite, na pinamumunuan na Cultural Communities hinggil sa anti-discrimination bills, binanggit ko na maghahain ako ng panukalang-batas o amyenda para magkaroon ng Parental Leave para pati ‘yung tatay may leave rin para patas naman ang laro. Agree?
Maraming magagaling at mahuhusay na babae, kailangan lang maging pantay ang trato sa babae at lalaki. Aminado tayong sa lakas, eh, mas lamang ang mga lalaki, pero ;di ba mga seestra, hindi matatawaran ang husay ng mga babae saan mang aspeto?
Apela naman natin sa mga employer, plis naman bigyan n’yo ng mas maraming chance ang mga babae at huwag i-discriminate, dahil hindi sa gender o kasarian nakikita ang husay ng isang empleyado kundi sa kanyang pag-iisip, talino, diskarte at abilidad!
Comments