top of page

Tulala sa pagpanaw ng Superstar… SIGAW NI JUDAY: WALANG MAKAKAPALIT KAY NORA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | Apr. 21, 2025



Photo: Judy Ann Santos-Agoncillo - Instagram



Isa sa mga lubos na nagluluksang celebrities sa pagpanaw ni Ate Guy ay ang Teleserye Queen na si Judy Ann Santos.  


May post din ang aktres ng kanyang makabagbag-damdaming mensahe para sa Superstar.  


Kalakip ang throwback photos nila ng Superstar, ani Juday, “Nakakatulalang isipin ang pagkawala mo sa industriyang pinalawak mo... Isa sa mga pinakanapakumbaba, pinakahinahangaan ng nakararami, aming National Artist. Maraming salamat sa napakalaking ambag mo sa mundong minahal at niyakap mo nang buung-buo...  


“Walang sinuman ang makakapalit sa estado at galing mo... Paalam, Ate Guy. Paalam sa aming nag-iisang SUPERSTAR... Mahal na mahal ka namin…”


Rest in peace, Superstar Nora Aunor.


 

Nagbigay-pugay si Tirso Cruz III sa kanyang longtime screen partner na si Superstar Nora Aunor na pumanaw last April 16. 


Sila ang legendary tandem na Guy & Pip noong kanilang panahon.  

Ani Tirso sa kanyang Instagram (IG) account, “Matthew 5:4 - Blessed are those who mourn, for they who will be comforted.  


“Our heartfelt condolences to the family of Philippine cinema Superstar, Ms. Nora Aunor. Praying for God’s comfort to be upon all of you in this season of grief. Your contribution to the industry will always be remembered.”


Komento ng mga Guy & Pip fans sa IG account ng actor…


“Always Guy and Pip for me. Part of my growing up watching you guys. Rest in peace, Guy.” 

“Rest in peace with our Creator. May God comfort the whole family. I could not forget my HS memories as GUY & PIP fans.”


“So gentleman and kind of you to pay tribute to Nora. Bless you!”  

“Yes Pippo, I witness you both and avid fan of yours since 1969.”  


Si Ate Guy ay pumanaw sa edad na 71.   


Ang Bulgar Family ay taos-pusong nakikiramay sa buong pamilya ng Superstar. 

Rest in peace, the one and only Superstar ng Pilipinas.


 

NAGING emosyonal ang mag-amang Christopher De Leon at Lotlot de Leon sa burol ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.  


Sa video ay makikitang kino-comfort ni Boyet ang anak na si Ian De Leon, as well as Lotlot at ang iba pang anak ni Ate Guy.  


Si Ian ang nag-iisang anak nina Boyet at Nora at sina Lotlot, Matet, Kenneth at Kiko ay legally adopted ni Ate Guy na sinunod ang family name kay Boyet.  


Si Noel Ferrer ang nag-share ng kuhang video clip at nilagyan niya ito ng caption na: “OUR DRAMA KING CHRISTOPHER DE LEON PAID HIS RESPECTS TO FORMER WIFE, NATIONAL ARTIST & SUPERSTAR NORA AUNOR.”  


Nagpapasalamat naman ang mga netizens kay PBBM (Pangulong Bongbong Marcos) dahil sa magandang burol na ibinigay niya sa Superstar.  


May Philippine flag na nakapatong sa coffin ni Ate Guy at may mga sundalong nakabantay bilang pagkilala sa Superstar na malaki ang naiambag sa mundo ng industriya.  


Ang pangalan ni Ate Guy bilang Superstar ay pumalaot sa buong mundo. 

Maging ang mga netizens ay pinasalamatan din si FPRRD (dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte) dahil sa pagbibigay ng parangal kay Ate Guy bilang National Artist.  


May tanong lang ang mga netizens, magkakaroon din daw ba ng 21-gun salutes kapag inihatid na sa huling hantungan ang nag-iisang Superstar?  

Kami na po ang sasagot, sigurado po na meron!


Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page