top of page
Search
  • BULGAR

Tulad ni Korina… BEA, NAGPA-FREEZE NA RIN NG EGGS

ni Julie Bonifacio @Winner | July 8, 2024



Showbiz Photo

Pinagpiyestahan na naman si Bea Alonzo ng mga netizens dahil sa picture niya habang nakasakay sa helicopter sa kanyang latest Instagram (IG) post.


Nagtanong ang ilang netizens kung pag-aari ni Bea ang helicopter na sinakyan niya bitbit ang kanyang Chanel tote bag.


“Is that her helicopter?”


“Yes.”


“Helicopter and her Chanel.”


“‘Di sya POGO queen to afford hele (helicopter).”


Pero kalurky ang comment ng ibang followers ni Bea sa IG.

Sey nila… “Nasa kanya na lahat pero single can’t buy love talaga. ‘Di dapat tayo mainggit sa ganitong klase ng buhay kasi ang saya and ganda tingnan sa IG pero sa likod nito, ang lungkot ng buhay. Walang anak at tumatandang mag-isa si Tita Bea.”


“Hahaha, grabe si ate mag-isip (laugh emoji). ‘Di lahat ng may asawa or married, masaya (laugh emoji). Money can’t buy happiness kamo? Na-try mo na bang mawalan ng pera? ‘Yung hindi mo mapuntahan ang gusto mo at ‘di mo mabili mga gusto mo, mas malungkot ang ganyan.”


“Tumatandang mag-isa? ‘Di ka sure teh. Hahaha! Palibhasa nasanay ka na sa pagiging hampaslupa, ipinanganak na hampaslupa ‘yang ganyang mindset! Money can’t buy happiness, period!”


May nagpayo naman kay Bea na gayahin si Korina Sanchez na nagpa-reserve ng kanyang egg cells.


“Gayahin n’yo na lang po si Korina Sanchez na-preserve n’ya ‘yung egg cells n’ya @beaalonzo.


Sayang kasi ang magandang lahi ninyo kung ‘di kayo manganak nang marami.”


“Unsolicited advice here.”


“She did that already, alangan namang i-announce n’ya pa ‘yang mga ganyang bagay.


Matalino si Bea, alam n’ya ginagawa niya.”


“Lol marami s’yang pera, puwede s’yang magkaanak kung kailan n’ya gusto pero siyempre, ‘di mo gets ‘yan.”


Although, kayang-kaya naman ni Bea ang bumili ng helicopter at magpa-freeze ng kanyang egg cell, sana ma-confirm or deny ito ng aktres.


 

ANG daming nag-react sa latest post ni Janella Salvador sa X (dating Twitter) na piktyur niya kasama ang three-year-old son niya na si Jude Trevor.


Nakyutan ang maraming netizens kay Jude na magpo-four na sa October 20.


Si Jude ay solong anak ni Janella kay Markus Paterson.

Comment ng mga netizens:


“He is so big na and such a cutie!”


 “So pogi and cute (teary-eyed emoji) good luck sa first day of classes bebe Judeeee.”


“Judiepoo looks so pogi with his haircut.”


“Jude is looking soooo healthyyyy!!!! (heart sign emoji) saying hello from your respiratory therapist!!!!!”


Isinilang ni Janella si Jude sa Somerset, England kung saan ipinanganak din si Markus.

Marami rin ang nakyutan kay Janella habang yakap-yakap niya ang kanyang unico hijo.


“You and Your Son Was Cute.”


“Mini me talaga, such cuties!”


Pero sa piktyur na ipinost ni Janella, pansin namin na parang mas hawig si Jude kay Markus, haha! 


Few years from now, ‘di na kami magugulat kung nasa showbiz na rin si Jude.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page