top of page
Search
  • BULGAR

Tulad din nu'ng buntis si Pauleen… MAINE, PINAG-IINGAT NI JOEY SA PAGKILOS

ni Beth Gelena @Bulgary | May 1, 2024



File photo
File photo: Maine Mendoza - TVJ


In-assume ng mga netizens na preggy na si Maine Mendoza (Menggay) base sa komento ni Joey De Leon nang biglang lumundag ang misis ni Congressman Arjo Atayde. 


Ani Joey, “Ay, ‘wag masyadong gumalaw, Menggay.”


Ayon sa netizen, “‘Yan din ang sinabi ni Sir Joey kay Pauleen sa 2nd baby nito, ayun, may laman na pala talaga na baby.”


Sey pa ng ibang netizen, “Congrats, Maine, kung totoo man.”


Komento ng isang netizen, “Very Angelu ‘yung hairstyle niya haha nu’ng nabuntis siya.”


Hindi naman nagustuhan ng ibang mga netizens ang pagbabawal ni Joey kay Maine. 


“Hilig nitong mauna mag-announce. Nakakairita ang attitude ng lolo na ‘to, feeling henyo.”


“Ini-announce ba na buntis, ‘di ko yata narinig.”


“I think he’s pertaining to the blouse she's wearing. ‘Wag masyadong gumalaw, baka nagbiruan sila prior.”


“Puwedeng dahil strapless 'yung damit or puwedeng alam na nila na buntis s’ya. Still good news.”


“Ang origin nu’ng 'Huwag masyadong gumalaw' ay ‘yung sinabi ni Joey De Leon na kaya raw tumagal ang TVJ (Tito, Vic & Joey), hindi sila masyadong gumagalaw. Ang context ay longevity nilang tatlo. Parating sinasabi ni Joey ‘yan kapag may nagda-dance challenge sa kanila. Pero in fairness kay Vic, tina-try niyang sumabay sa mga bagets. Sina Joey at Tito, simpleng galawan lang ang sayaw.”


“This! Napanood ko 'yung segment and I don't think may laman 'yung sinasabi ni Joey. He was just simply saying nga about sa hindi masyadong gumagalawa kasi si Maine, binibiro s’ya at tsina-challenge ni Joey na sumayaw.”


“Baka maunahan pa sila nina Ria & Zanjoe, at ang tanda na rin nila ni Arjo, so it's about time.”


If ever ngang preggy si Maine, good for them lalo na sa pamilyang Atayde dahil magiging dalawa na agad ang apo nina Sylvia Sanchez at Papa Art Atayde. 


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page