ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | January 21, 2022
Ngayong 2022, maghanda na para sa isang girl-to-girl romance na hatid ng Vivamax Films.
Yesss, LGBT community, for sure, makaka-relate kayo, in pernes!
Ang cast ay pinangungunahan ni Rhen Escano at ng newbie actress na si Rita Martinez na umaming t-bird talaga in real life.
Sa virtual mediacon ng Lulu (na ang akala ni yours truly ay “Luluhod Nang Walang Belo,” char lang, hahaha!), natanong namin sina Rhen, Rita at Direk Sigrid Andrea Bernardo na siyang nagdirek ng blockbuster na Kita Kita kung in real life ba ay naranasan na nilang makipagrelasyon sa tomboy or may nanligaw bang tomboy sa kanila, at in-entertain ba nila o iniwasan?
Unang nagprisintang sumagot si Rhen na sa taglay na kaseksihan at pretty face ay talaga namang puwedeng ligawan ng mga tomboyitas… ewan lang kung pati ng mga baklitas.
'Yun na!
“Ako na lang muna, 'noh, hahaha! Sa akin po, wala pa…wala namang nagparamdam. Wala namang nagbalak. Ewan ko po sa kanila kung bakit, hahaha! Wala po akong naging karelasyon.
May mga friends po akong lesbians, pero wala pong nagparamdam,” sagot ni Rhen.
Why naman? Baka syokot lang ang mga tomboyitas na ligawan siya 'coz baka nga naman mabasted lang.
'Yun na!
“Wala rin po akong naging karelasyon na tomboy. Ahhh, indecent tomboy. In my whole life naman, never akong nagka-boyfriend. Sa girl…'yan. But sa mga tomboy, mga barkada ko 'yan,” pag-amin naman ni Rita Martinez.
From Direk Sigrid, “Ako, yes… May experience na rin ako sa mga tomboy… Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko, hahaha! Ako yes, may experience ako na nakipagrelasyon sa tomboy,” ang walang halong kiyems na pag-amin din ni Direk Sigrid.
Na siyempre, bilang writer-director, need niya talagang ma-experience 'yung ganu'ng klaseng relationship para boom patok ang pagsusulat niya ng script at pagdidirek ng nasabing pelikula na girl-to-girl romance.
Yo, talking from experience when yours truly directed Magdalena Buong Magdamag of Baby Pascual Films nu’ng early '80s.
Second question, "Meron ba kayong discrimination regarding sexual gender?"
“Dapat wala. I mean, masyado nang magulo ang mundo, masyado nang maraming nangyayari, kaya pati 'yung mga ganu'ng bagay, eh…
"Dapat maging masaya na lang tayo, dahil ginusto nila 'yun para ma-express 'yung mga feelings nila. Gusto lang nilang mabuhay katulad ng mga normal na katulad ko…So, bakit natin kailangang isarado ang isip natin para sa kanilang kaligayahan?
"I guess, dahil it’s already year 2022 na, dapat parang maging open-minded na tayo. At sana, 'yun 'yung ma-realize ng mga tao na dapat matanggap sila ng society tulad ng mga bakla…
"Parang kailangang maging open na tayo pagdating sa ganu'ng usapin. Pero 'pag tiningnan mo sa mga lesbians, hindi pa ganu'n, eh. Parang may kulang pa. Parang… may kailangan pang mangyari para mas makilala sila nang husto at maintindihan sila ng mga tao. So, para love wins,” sagot ni Rhen.
Hmmmnnn, may katwiran ang katwiran, ha? Devah naman, Ice Seguerra at Jake Zyrus at beauty queen from Cebu na si Ms. Beatrice Gomez? React space react, hehehe!
“Aprub…” sambit naman ni Rita sa sinabi ni Rhen.
“Ako rin, aprub…Ayoko namang para akong nagdi-discriminate ng tao. Kaya nga nagawa ko itong pelikulang Lulu para maintindihan ng mga tao ang feelings ng mga belong sa LGBT community,” sey ni Direk Sigrid.
Insert smiley, ☺!
O, siya, 'yun lang muna, mga katropa and I thank you!
Kommentare