top of page
Search
  • BULGAR

Tubino dagdag sa puwersa ng High Speed Hitters sa PVL

ni Gerard Arce @Sports | June 12, 2023




Matinding paghahanda ang isinasagawa ng PLDT High Speed Hitters bilang preparasyon sa 2023 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference simula Hunyo 29 matapos magkaroon ng ilang mga tune-up matches kasama ang bagong power hitter na si Honey Royce Tubino.

Puntirya ng High Speed Hitters na makuha ang kanilang unang podium finish sa liga matapos muling kapusin laban sa F2 Logistics Cargo Movers sa nakalipas na All-Filipino Conference sa battle-for-third place.

Aminado si head coach Rald Ricafort na malaking tulong sa karagdagang opensiba ang pagpasok ng dating University of Perpetual Help System Dalta at dating Army Black Mamba Lady Troopers outside hitter upang masuportahan ang wing spikers ng koponan na kinabibilangan nina Michelle Morente, Mary Ann Mendrez, Jovelyn Prado, Jules Samonte, at Fiola Ceballos.

She’s a welcome addition to the team. Una sa lahat, malaking bagay yung power niya,” pahayag ni Ricafort. “Gusto ko rin yung intensity niya sa loob (ng court). And siyempre, as a veteran, may leadership 'yan na kailangan natin lalo pag dikitan.”

Makailang ulit na binitbit sa kampeonato ng 30-anyos na spiker ang Lady Altas kabilang ang season 89 NCAA MVP at Finals MVP award. Hindi pa nakakatikim ang 5-foot-9 power-hitter ng kampeonato sa PVL, kung saan nakakuha ito ng third place finish noong 2019 PVL Reinforced sa Pacific Town-Army Lady Troopers.

Napasabak naman sa tune-up noong Sabado ang High Speed Hitters sa ilang kalalakihan at kaibigan sa Colegio de San Juan de Letran gymnasium, bilang parte pa rin ng paghahanda sa darating na komperensiya.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page