top of page
Search
BULGAR

Tubig ng pinakuluang sitaw, epektibong pantanggal ng hangover

ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | October 21, 2020




Ang sitaw.


Kilalang-kilala ito ng lahat ng Pinoy at ito na yata ang gulay na pinakamarami ang gumagamit bilang halamang pagkain. Araw-araw, may sitaw sa lahat ng palengke at ito ay palaging nauubos.


Masasabing parang sitaw na lang ang kilala ng mga nanay para ipakain sa mga mahal nila sa buhay. Madali kasi itong lutuin, kumbaga, puwedeng pakuluan lang, tapos ulam na. Gayundin, puwedeng adobong sitaw, ang sarap pa. Sa sinigang, sitaw ang nagbibigay ng masarap na lasa, at ang pamosong bulanglang, sitaw din ang nagdadala, kaya walang bulanglang na walang sitaw.


Nakagugulat dahil kapag ang sitaw ay nakasama sa anumang putahe, nagkakaroon ng ibang dating na para bang nagiging espesyal ang inihandang pagkain. Kapag itinabi mo ang kahit kaunting sitaw sa fried chicken, hindi mo maiiwasang masabi na parang ubod ng sarap nito.


Gayundin, kapag may ilang piraso ng sitaw sa tabi ng lechong baboy, class na class ang dating nito, kumbaga, duck man o turkey, sitaw ang magbibigay ng kakaibang awra sa mga ito.


Kahit sa mundo ng halamang gamot, ang sitaw ay may kakaibang dating.

  • Sa pag-aaral ng mga eksperto, nakitang mataas ang fiber ng sitaw kung saan ito ay may kakayahang pigilan ang pagtaas ng sugar level sa katawan.

  • Ang fiber din ng sitaw ay kayang pababain ang cholesterol level kaya ito ay friendly to the heart.

  • Lumabas din sa resulta ng pag-aaral na ang sitaw ay mayaman sa Vitamin K, na pinanatiling matatag, matibay at malusog ang mga buto.

  • Napag-alaman din na ang sitaw ay mayaman sa antioxidants, folic acid, Vitamin B, potassium at magnesium, na nagbibigay sa sitaw ng kakayahang linisin at pagandahin ang lagay ng daluyang ng dugo, na nagpapababa rin ng blood pressure.

  • Ang sitaw ay mayaman sa protein, beta-carotene, Vitamin B complex, molybdenum at iron, kaya hindi nakapagtataka na ang mahilig kumain ng sitaw ay mas malakas at humahaba ang buhay.

  • Ayon sa pag-aaral, ang sitaw ay kayang labanan ang pagkakaroon ng cancer, lalo na ang colon cancer. Ang totoo, ang mga may colon cancer ay pinapayuhang kumain ng sitaw dahil kaya nitong tunawin ang mga tumor.

  • Ang sabaw din ng nilagang sitaw o pinagpakuluan ng sitaw ay pinaiinom sa mga naubusan ng electrolytes o dumaan sa matinding pagsusuka o pagtatae.

  • Inirerekomenda rin sa mga nakainom ng sobrang alak ang nasabing sabaw ng pinakuluang sitaw nang sa gayun ay mabilis bumalik ang kanilang lakas at tamang kaisipan.

Saan ka pa, eh ‘di sa sitaw na!

Good luck!

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page