top of page
Search
BULGAR

Tsaa, mani, softdrinks at iba pa, iwasan kung ayaw magka-kidney stone

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | February 9, 2021





Dear Doc. Shane,


Ang aking nanay ay nagkaroon ng kidney stone at siya ay naoperahan. Paano ba maiiwasan ang pagkakaroon ng kidney stone? Ayoko kasing magkaroon nito, pero paborito ko ang maaalat na pagkain, nakasasama ba iyon? – Ems


Sagot


Ayon sa National Kidney Foundation, isa sa kada sampung tao ay maaaring makaranas ng kidney stones. Matinding sakit ang nararamdaman ng mga nakararanas nito, una na ang hirap sa pag-ihi. Mabuti na lamang at maraming paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng kidney stone o bato.


Malaki ang role ng lifestyle changes at diet sa pagkakaroon ng kidney stone. Tulad ng karamihan sa mga sakit, malaki ang naitutulong ng tamang diet sa pag-iwas sa kondisyong ito.

Ang kidney stone ay nagmumula sa pagkabuo ng ilang crystal mula sa mga kemikal na sinasala sa ihi. Kapag ito ay naipon ay saka naman lalaki ang crystal. Kapag tuluyang lumaki ang crystal, babara ito sa urinary tract ng tao na magreresulta sa masakit na pag-ihi ng sinumang mayroon nito.

Karamihan ng mga kidney stone ay nagmumula sa calcium na humahalo sa oxalate o phosphorous. May isa pang klase ng kidney stone na namumuo naman mula sa uric acid na resulta ng pag-metabolize ng protina sa katawan.


Mga paraan para maiwasan ito:

  • Manatiling hydrated

  • Sapat na calcium

  • Bawasan ang mga pagkaing mataas sa sodium

  • Limitahan ang pagkain ng animal protein


Maraming uri ng pagkain na maaaring makapagdulot ng pagkabuo ng kidney stone sa katawan. Ang chocolate, tsaa at mani ay mayaman sa oxalate, samantalang, ang softdrinks naman ay mataas ang phosphate, pareho silang makapagbubuo ng kidney stones. Hindi naman kailangang tuluyang iwasan ang mga pagkaing nabanggit, ang mahalaga ay ang pagkain sa mga ito nang tama at hindi sobra.

0 comments

Коментарі


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page