ni Angela Fernando @Overseas News | Jan. 5, 2025
Photo: Donald Trump - Reuters
Haharap ang President-elect na si Donald Trump sa sentensiya sa Enero 10 kaugnay ng criminal case na may kinalaman sa hush money na ibinayad sa isang porn star, ngunit malabong makulong o mapatawan ng iba pang mabigat na parusa, ayon sa isang hukom kamakailan.
Nagpahayag si Justice Juan Merchan na si Trump, 78, ay maaaring dumalo sa kanyang sentensiya "in person or virtually."
Magugunitang ang kaso ay nag-ugat mula sa $130,000 na bayad na ginawa ng dating abogado ni Trump na si Michael Cohen kay Stormy Daniels upang patahimikin siya tungkol sa sinasabing sexual encounter na itinanggi naman ni Trump.
Comments