ni Eli San Miguel @Overseas News | July 30, 2024
Inihayag ni U.S. ex-President Donald Trump na sasalang siya sa isang interbyu ng FBI habang iniimbestigahan ng ahensiya ang motibo ng 20-anyos na si Thomas Crooks na pinagtangkaan siyang patayin sa isang campaign rally sa Pennsylvania.
"They're coming in on Thursday to see me," sabi ni Trump, ang Republican presidential candidate, sa isang panayam sa Fox News na inilabas nitong Lunes.
Nakita ng pulisya ang lalaki na nagtangkang patayin si Trump mahigit isang oras bago ang pamamaril noong Hulyo 13 sa Butler, Pennsylvania, at ibinahagi ang kanyang larawan sa ibang mga opisyal, ayon sa isang tauhan ng FBI.
Bagaman hindi iniimbestigahan ng ahensiya ang mga posibleng pagkukulang sa seguridad, ginagawa naman nila ang isang timeline ng mga kaganapan, ayon kay Kevin Rojek, lider ng opisina sa Pittsburgh ng FBI.
Sinabi ng mga opisyal ng FBI na hindi pa nila natutukoy ang motibo ni Crooks, na napatay ng isang ahente ng Secret Service matapos magpaputok ng baril.
Comments