ni Angela Fernando @Overseas News | Dec. 23, 2024
Photo: Donald Trump - AP / Panama Canal
Nagbanta si President-elect Donald Trump na ibabalik sa United States (US) ang kontrol sa Panama Canal, matapos niyang akusahan ang Panama ng sobrang paniningil sa paggamit ng nasabing lagusan.
Ang pahayag na ito ay umani ng matinding kritisismo mula kay Pangulong Jose Raul Mulino ng Panama.
Sa harap ng kanyang mga tagasuporta sa Arizona, sinabi ni Trump na hindi niya hahayaang mapunta sa maling mga kamay ang canal, at nagbabala laban sa posibleng impluwensya ng China sa mahalagang rutang ito ng kalakalan.
Samantala, matapos ang kanyang banta, nag-post si Trump ng larawan sa Truth Social na nagpapakita ng watawat ng US na nakatayo sa nasabing canal kalakip ng komentong: "Welcome to the United States Canal!"
ความคิดเห็น