ni Angela Fernando @World News | Dec. 9, 2024
Photo: Donald Trump at Ukraine - AP, Volodymyr Zelenskyy, FB
Nanawagan si United States (US) President-elect Donald Trump kamakailan para sa isang agarang tigil-putukan at negosasyon sa pagitan ng Ukraine at Russia upang tapusin ang tinawag niyang "kabaliwan."
Ang naging pahayag ni Trump ang nagtulak kay Ukrainian President Volodymr Zelenskyy at sa Kremlin na ilahad ang kanilang mga kondisyon.
Ginawa ng Presidente ang kanyang mga pahayag ilang oras lamang matapos makipagpulong kay Zelenskyy sa Paris, ang kanilang unang harapang pag-uusap mula nang manalo si Trump sa nakaraang halalan sa U.S. nu'ng Nobyembre.
Nangako naman ang US President na makakamit ang isang kasunduang magtatapos sa digmaan.
"Zelensky and Ukraine would like to make a deal and stop the madness," isinulat ni Trump sa kanyang social media platform na Truth Social, dagdag pa nito na nawalan na ang Kyiv ng 400K sundalo.
"There should be an immediate ceasefire and negotiations should begin." Giit ni Trump, "I know Vladimir well. This is his time to act. China can help. The World is waiting!"
コメント