Truck nag-dive sa bangin, 15 patay
- BULGAR
- Feb 22, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando - Trainee @News | February 22, 2024

Umabot sa 15 katao ang namatay nang malaglag sa bangin ang isang truck sa Mabinay, Negros Oriental.
Ayon sa mga ulat, umaabot sa 100 metro ang lalim ng pinaghulugan ng truck na may sakay na ilang mga tao.
Nangyari ang insidente ala-1:46 ng hapon nu'ng Miyerkules sa may pakurbang parte ng national highway sa Brgy. Bulwang.
Pahayag ng isang responder na si Jun Caraell ng Mabinay Disaster Risk Reduction and Management Office, nakitaan na ng problema ang nasabing truck ngunit ginamit pa rin ito sa biyahe.
Agad na dinala ang mga nakaligtas sa ospital habang patuloy ang pagtukoy ng mga otoridad sa dahilan ng pagkahulog ng truck.
Comments