ni Lolet Abania | February 10, 2022
Patay ang dalawang menor-de-edad habang isa pang sibilyan ang nasugatan matapos na tambangan noong Martes ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang tropa ng Philippine Army sa Catubig, Northern Samar.
Sa ulat ng Joint Task Force Storm at 8th Infantry Division ngayong Huwebes, ang 12-anyos na biktima ay idineklarang dead-on-arrival sa Catubig Hospital, habang ang isa pang 13-anyos na biktima ay nasawi ng umaga kinabukasan sa Northern Samar Hospital.
“Before he died, the 13-year-old boy was able to narrate to the barangay officials that they were hit by NPA gunfires,” ani 8ID commander Major General Edgardo de Leon sa isang statement.
“The 26-year-old survivor revealed that they were behind the soldiers when the NPAs opened fire, prompting them to run away but unfortunately they were hit,” dagdag ni De Leon.
Ayon kay 803rd Brigade commander Colonel Perfecto Peñaredondo, patungo ang tropa ng militar sa Barangay Roxas para alamin ang nakuhang report hinggil sa presensiya ng mga rebeldeng NPA nang atakehin at pagbabarilin sila ng mga ito.
Sinabi ni Peñaredondo, nakuha naman ng grupo ng Army na makakober at makadapa sa lupa, subalit ang mga sibilyan na nasa likuran nila ay tinamaan ng mga bala ng baril.
Isa pang menor-de-edad ang nakaligtas naman at ini-report ang insidente sa mga opisyal ng barangay. Agad na rumesponde ang mga kawani ng barangay at dinala ang mga biktima sa ospital.
Ayon pa sa militar, ang Catubig government at Northern Samar government ay agad ding nagbigay ng assistance sa mga kaanak ng namatay na mga biktima at sa sibilyang nasugatan.
Comments