ni Mary Gutierrez Almirañez | April 19, 2021
Labing-isa ang patay, habang 98 katao ang sugatan nang bumaligtad ang tren sa lungsod ng Toukh sa gitnang lalawigan ng Nile Delta ng Qalyubiya, Egypt nitong Linggo, Abril 18.
Ayon sa Ministry of Health, nanggaling sa kabisera ng Cairo ang tren at patungo itong hilaga nang magsimulang humiwalay sa riles at mawalan ng kontrol sa pag-andar.
Kaagad namang rumesponde ang mahigit 60 na ambulansiya upang dalhin sa pinakamalapit na ospital ang mga pasahero.
Kuwento pa ng isa sa mga nakaligtas na si Tarek Gomaa, “We were surprised by the train's speeding up… We found ourselves on top of each other.”
Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon sa nangyaring aksidente.
Kommentarer