top of page
Search
BULGAR

Traze app sa mga airports, start na sa Nov. 28

ni Lolet Abania | October 30, 2020




Naglunsad ang Department of Transportation (DOTr) ng isang application kung saan makukuha ng awtoridad ang mga impormasyon ng mga pasahero na hindi magsasagawa ng direct contact dito upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.


Maaaring magamit ang Traze app ng mga Android at iOS users para ma-scan ang QR code na nakapaskil sa mga airports at makapag-register sa tracing server. Para sa mga walang mobile devices, maaari silang humingi ng tulong sa Malasakit Help Desk na nasa mga airports.


Sa pamamagitan ng nasabing app, madaling maipapaalam sa mga users kung ang isang pasahero na kasama nilang bumiyahe mula sa terminals at airplanes ay nagpositibo sa COVID-19. Gayunman, ang pagkakaroon ng Traze app ay hindi mandatory.


Magagamit lamang ito sa Ninoy Aquino International Airport, Davao International Airport, Clark Airport at Mactan-Cebu International Airport.


Samantala, sa November 28, ipapagamit na ang Traze app sa lahat ng airports sa bansa. “We will make sure that all CAAP-operated airports will strictly implement the use of Traze,” sabi ni CAAP Director General Jim Sydiongco.


Pinag-aaralan na rin ng awtoridad ang paggamit ng nasabing application sa iba pang uri ng transportasyon gaya ng railway.


“By making certain tweaks in the application and improving the application further, we can actually make the application applicable and usable in other modes of transportation,” sabi ni Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Daniel Santiago.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page