Travel ban sa India, UAE, Oman, atbp. lugar, extended hanggang sa June 30
- BULGAR
- Jun 15, 2021
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 15, 2021

Pinalawig pa ng pamahalaan ang travel ban sa mga biyaherong manggagaling sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates at Oman hanggang sa katapusan ng Hunyo.
Unang ipinatupad ng Pilipinas ang travel ban sa mga biyahero mula sa India noong Abril dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19.
Noong Mayo naman, nagpatupad na rin ang bansa ng travel ban sa Pakistan, Bangladesh, Nepal at Sri Lanka na sinundan ng Oman at United Arab Emirates.
Комментарии