top of page
Search
BULGAR

Travel ban binawi na, protocols mas dapat bantayan

@Editorial | September 06, 2021



Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na alisin na ang travel restrictions sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Thailand, Malaysia at Indonesia, simula ngayong araw, Setyembre 6.


Kaugnay nito ang paalala na ang mga international travelers na galing sa mga nabanggit na bansa ay kailangang sumunod sa testing at quarantine protocols kapag pumasok sa Pilipinas.


Matatandaang, una nang nagpatupad ng travel ban ang Pilipinas sa mga nabanggit na bansa dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.


Bagama't patuloy ang pagtaas ng kaso ng nagkaka-COVID, umaasa tayong hindi ito lumala sa pagbawi ng travel ban.


Ang pakiusap sa mga kunauukulan, maging mas istrikto sa pagpapatupad ng protocols.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat kung paano dumidiskarte ang mga pasaway at ginagamit ang pagkakataon para magkapera.


Dapat bantay-sarado ang mga papasok ng bansa, tiyaking dumaan sa proseso.


Hindi dapat makalusot ang mga pekeng dokumento at walang makakapuslit sa quarantine.


Nais na nating matapos na ang ganitong sitwasyo dahil marami nang nasakripisyo, kailangan nang bumawi.


Muli, sa mga nagbabalak na gamitin pandemya para makapanloko at magkapera, makonsensiya naman kayo!

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page