ni Mylene Alfonso | April 19, 2023
Pinag-aaralan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang muling pagdaraos ng tradisyunal na Traslacion sa 2024.
Ito ay makaraan ang naging matagumpay na motorcade para sa Itim na Nazareno na idinaos noong Biyernes Santo.
Unang pinayagan ni Manila Mayor Honey Lacuna sa Quiapo Church authorities at Hijos Del Nazareno ang pagdaraos ng motorcade sa halip ang nakagawiang prusisyon tuwing Biyernes Santo.
Matatandaang inihayag ng alkalde na ang magiging resulta ng motorcade ang siyang pagbabasehan ng lokal na pamahalaan kung papayagan na ang Traslacion sa Enero 9, 2024.
Comments