top of page
Search

Trapik imbes solusyunan, Marcos admin, lalagyan ng toll fee ang EDSA busway, grabe!

BULGAR

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Feb. 7, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


HINDI LANG DAW SI VP SARA DAPAT I-IMPEACH, HIRIT NG SENATORIAL ASPIRANT PATI SI PBBM DAPAT DAW I-IMPEACH -- Pagkatapos i-impeach ng Kamara si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio, ay sinabi ni senatorial candidate Atty. Luke Espiritu na dapat daw pati si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ay ma-impeach.


Hindi man aminin ay tiyak nabuwisit si PBBM sa statement na ito ni Atty. Espiritu kasi si VP Sara lang in-impeach ng Kamara, eh ang gustong mangyari ng senatorial candidate na ito ay pati siya (PBBM) dapat daw i-impeach, boom!


XXX


NAGNAKAW NG P43K KULONG NG 18 YEARS, MGA NAGNAKAW NG DAAN-DAANG MILYONG PISO, ABSUWELTO -- Hinatulan ng korte ng 18 years na pagkakakulong ang dating treasurer ng Manila City Hall na si Rogelio Reyes dahil ibinulsa raw ang higit P43,000 public funds.


Sa totoo lang, ang hatol na ‘yan ay unfair kay Mr. Reyes kasi P43K lang ang sinasabing ninakaw niya, eh ang tindi ng hatol, 18 taon na pagkakakulong, pero ‘yung mga kurakot na pulitikong daan-daang milyong piso na pera ng bayan, hindi naikulong sa Bilibid dahil mga absuwelto sa kasong plunder, tsk!


XXX


IMBES SOLUSYUNAN ANG PROBLEMA NG TRAPIKO, GUSTO PANG PAGBAYARIN NG MARCOS ADMIN ANG MGA MOTORISTANG NAIS DUMAAN SA EDSA BUSWAY -- Pinag-aaralan ng Marcos administration na maglagay ng toll fee sa EDSA Busway para hindi na hulihin at pagbayarin na lang ang mga motoristang dumaraan dito.


Itong Marcos admin ang uri ng gobyerno na imbes gumawa ng paraan paano maiibsan ang trapik sa EDSA, eh ang gusto pang mangyari, pagbayarin ng toll fee ang mga motoristang gustong makaiwas sa trapik sa pamamagitan ng pagdaan sa EDSA Busway, buset!


XXX


WALA NA YATANG GOOD NEWS, PULOS BAD NEWS NA LANG YATA IAANUNSYO NG MARCOS ADMIN -- Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nitong nakalipas na January 2025 ay tumaas na naman ng 2.9% ang inflation rate sa bansa.


Wala na yatang good news na iaanunsyo ang Marcos admin kasi pulos bad news, pulos pahirap sa mamamayan, tsk!

Recent Posts

See All

Commenti


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page