ni Jasmin Joy Evangelista | September 4, 2021
Hanggang Setyembre 30, 2021 na lamang maaaring mag-apply ng transfer of overseas registration ang mga repatriated Filipino voters na nagnanais bumoto sa Eleksiyon 2022, ayon sa Commission on Elections.
"The Commission en Banc recognizes the need to prevent the disenfranchisement of a great number of our kababayans who have been unexpectedly repatriated due to the COVID-19 pandemic, hence the decision to extend the deadline. If they will be in the Philippines on election day, then they can still exercise their right of suffrage by casting their ballot here,” ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez.
Dagdag pa ng Comelec, ang mga nagnanais magpa-transfer ng rehistro mula sa ibang bansa ay kinakailangang residente ng lugar kung saan nila nais bumoto sa Mayo 2022.
Kailangan ding personal silang mag-apply sa Office of the Election Officer sa kanilang munisipalidad.
Pinaalalahanan din ng Comelec ang publiko na hanggang Setyembre 30 na lamang maaaring magparehistro para sa local at overseas voters.
Comments