top of page
Search
BULGAR

Trabahong tamad, budol — Kongreso.. Slogan ng Love the Phils. campaign, kopya lang din

ni Mylene Alfonso | July 4, 2023




Pinuna ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang kampanya ng Department of Tourism (DOT) na "Love the Philippines" dahil sa pangongopya mula sa ginagamit na tourism slogan ng bansang Cyprus.


Tinawag din ni Castro na budol ang tourism campaign ng DOT na mababang uri na trabaho na nagpapababa sa kredibilidad at integridad sa industriya ng turismo.


"This type of shoddy work undermines the credibility and integrity of our tourism industry," ani Castro sa isang pahayag.


"It is unacceptable for the Marcos government to resort to plagiarizing campaign slogans from other countries. We should be showcasing the unique culture, heritage, and natural wonders that make the Philippines truly remarkable," ani Castro.


Tinukoy ng House deputy minority leader ang kampanyang "Love Cyprus" na inilunsad ng Cyprus Deputy Ministry of Tourism noong 2021.


Sinabi rin ni Castro na ang usapin ay nagdulot ng malaking kahihiyan para sa Pilipinas sa international community dahil sa paggamit ng mga stock footages.


Samantala, inihayag naman ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na una nang nanita dahil sa hindi pagkakasama ng Bulkang Mayon sa bagong video na sintomas talaga ang una niyang puna na “trabahong tamad”.


"Clearly, the exclusion of Mayon and other tourist attractions intrinsic to the Philippine brand was just a symptom of "trabahong tamad' that is now evident to everyone," banggit ni Salceda.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page