top of page
Search
BULGAR

Trabahong may kaugnayan sa pagtulong sa kapwa, bagay sa baboy dahil likas na matulungin

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | July 20, 2021



Ipagpatuloy natin ang pag-aanalisa sa pangunahing ugali at sadlakang kapalaran ng animal sign na Pig o Baboy ngayong Year of the Metal Ox.


Kung ikaw ay isinilang noong taong 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007, 2019 at 2031, ikaw ay naiimpluwensiyahan ng animal sign a Pig o Baboy.

Mahusay ding makisama, magmahal at may malasakit sa kapwa ang Baboy, kaya naman bagay na bagay na trabaho o career sa kanya ang social worker at iba pang gawaing may kaugnayan sa pagtulong sa mga nangangailangan at kapus-palad. Puwede rin sa Baboy ang pamumulitika, kung saan tiyak na nagtataglay siya ng dalisay at tapat na hangaring tumulong sa mga taong nangangailangan.


Sa panahong namumroblema ang bayan o samahan, nakagagawa ng paraan ang Baboy na makapag-isip ng praktikal na solusyon sa anumang suliraning nararanasan ng isang grupo o mga taong kanyang nasasakupan. Ang ikinaganda pa nito, hindi lang magandang solusyon ang naiisip o naipapatupad niya, sa halip, nagagawa rin niyang pasiglahin ang mga taong nasa paligid niya upang tumulong sa kanilang naiisip na proyekto o gawin. Kumbaga, magaling talagang mang-encourage ang Baboy sa kanyang mga kasama at nasasakupan upang gawin nang may sigla at ganda ang isang proyekto ng komunidad o samahan. Hindi lang niya napaniniwala ang mga taong uutusan o papasunirin niya, sa halip, bukod sa sigla at sigasig na naililipat niya sa kanyang nasasakupan, siya ay handa ring magpaluwal ng kanyang oras, effort at pati na rin pera. Kaya lahat ng gawaing may kaugnayan sa pagbuo ng isang organisasyon, pagtulong sa mga tao at pagmamalasakit sa bayan o bansa ay bagay na bagay talaga sa Baboy.


Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, ang pangunahing katangian ng Baboy pagdating sa pisikal na anyo ay nagtataglay talaga siya ng kahali-halinang at sensuwal na katangian. Ibig sabihin, likas na maganda at mapang-akit ang Baboy kahit siya ay bihira o hindi gaanong nag-aayos. Dagdag pa rito, ang Baboy ay hindi nakapagtatago ng kanyang damdamin. Ibig sabihin, kapag gusto talaga niya ang isang tao, hirap siyang pigilan ang kanyang sarili para hindi ipadama sa taong nakursunadahan niya ang kanyang nararamdaman. Naniniwala kasi ang Baboy na kapag mahal o gusto mo ang isang tao, dapat ito ay hindi na pagdaanin sa isip, sa halip, ‘yung feeling o emosyon mo ay kailangang madama agad ng taong gusto o minamahal mo. Dahil sa ganitong panuntunan sa pag-ibig — hindi nagtatago ng damdamin at hindi pasimple kung magmahal —kadalasan sa Baboy ay nakararanas ng matinding kalungkutan sa pakikipagrelasyon, lalo na kung maaga pa lang ay naramdaman na niyang hindi siya gusto o mahal ng tao na pinag-ukulan niya ng tapat na damdamin at seryosong pagmamahal.


Samantala, sinasabing magiging masaya at very satisfied ang Baboy sa pag-ibig, sex at pakikipagrelasyon kung ang mapapangasawa at makakasama niya ay ang kapwa niya tapat at masarap magmahal tulad ng Tupa o Kambing, ganundin ang eleganteng Kuneho. Bagay na bagay din sa Baboy ang sopistikadong ugali ng Tigre at kapwa niya sensuwal at mahilig ding kapatid niya na Baboy.

Itutuloy

Recent Posts

See All

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page