ni Madel Moratillo | May 7, 2023
Naglunsad ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng special employment program para sa mga mahihirap na working students.
Sa ilalim ng special program for employment of students ng DOLE, pwedeng magtrabaho ang isang estudyante sa loob ng 20 hanggang 70 araw.
Kabilang sa pasok dito ay mahirap pero deserving students, out-of-school youth, at dependent nang nawalan ng trabaho at gustong makatulong sa pamilya at maipagpatuloy ang pag-aaral.
Kabilang sa requirements ay dapat na hindi bababa sa 15-anyos pero hindi lalagpas sa 30.
Ang pinagsamang net income ng magulang ay hindi lagpas sa regional poverty threshold, ang estudyante ay dapat na may average na passing grade, kung out-of-school youth naman ito ay dapat na certified ng local Social Welfare and Development Office bilang OSY.
Ang mga interesadong indibidwal ay pinapayuhang magtungo sa mga public employment service office sa kanilang mga lugar.
Comments