top of page
Search
BULGAR

Toxic Halloween toys, ibinabala

ni Madel Moratillo @News | October 6, 2023




Binalaan ng isang watchdog group ang publiko lalo na ang mga bata sa mga produktong pang-Halloween na ibinebenta na ngayon sa merkado.


Inihalimbawa ni Thony Dizon, campaigner ng Ban Toxics, ang ilang produkto gaya ng mga nakakatakot na maskara, face paint at make-up, mga horror blood at pangil, baskets, mga laruan at imitation weapons, bungo at buto, at iba pang Halloween items.


Karamihan aniya sa mga ito ay walang tamang label, kaya hindi dapat ibinebenta o gamitin ng mga tao.


Paalala ni Dizon, importante na mayroong Certificate of Product Notification mula sa Food and Drug Administration ang mga produkto, alinsunod sa Republic Act 10620 o Toy and Game Safety Labeling Act.


Babala ni Dizon, ang mga laruan at produkto na hindi dumaan sa tamang proseso at hindi rehistrado ay puwedeng magdulot ng kapahamakan at epekto sa kalusagan lalo na ng mga bata, dahil sa ilang taglay na toxic na kemikal gaya ng lead.


Bukod dito, ang mga item na pang-Halloween ay may iba pang potential hazards sa mga bata tulad ng choking, sunog at pagkasugat at iba pang pinsala.


Hinikayat din ng grupo ang mga gumagawa at nagbebenta ng mga laruan na sumunod sa umiiral na health at safety regulations ng bansa.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page