top of page
Search
BULGAR

Towns at Europe imports, NBA players ng Dr vs. Gilas

ni Anthony E. Servinio @Sports | July 28, 2023



Sila ang unang haharapin ng Gilas Pilipinas sa pormal na pagbubukas ng 2023 FIBA World Cup sa Agosto 25 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan kaya inilabas na ng Dominican Republic ang listahan ng kanilang mga manlalaro. Una sa listahan ng 29 na pangalan si Karl Anthony Towns ng Minnesota Timberwolves at ilang mga kapwa beterano ng NBA.


Kahit ipinanganak at lumaki sa Amerika, Dominicana ang nanay ni KAT. Ang iba pang aktibong NBA ay sina Al Horford ng Boston Celtics, Chris Duarte ng Sacramento Kings at Lester Quinones ng Golden State Warriors.


Ang iba pang kakampi na may karanasan sa NBA ay sina Angel Delgado, Justin Minaya at Luis Montero. Karamihan ng koponan ay naglalaro bilang import sa Europa at Asya.


Samantala, hindi kasama si two-time NBA MVP Nikola Jokic ng Denver Nuggets sa paunang listahan ang Serbia. Maglalaro rin sila sa Pilipinas sa Grupo B ang Tsina, Timog Sudan at Puerto Rico.


Walang ibinigay na dahilan sa pagliban ni Jokic kaya sasandal ngayon ang Serbia kay shooter Bogdan Bogdanovic ng Atlanta Hawks. Nariyan din ang mga NBA player na sina Nikola Jovic ng Miami Heat, Filip Petrusev ng Philadelphia 76ers at Aleksej Pokusevski ng Oklahoma City Thunder at mga beterano na malupit na mga liga sa Europa.


Si Jokic ay isa pang bituin na wala sa torneo matapos maglabas ang Team USA ng koponan na mga kabataan at wala ang mga inaabangang superstar. Kung hindi darating si Jokic, pupunta rito ang isa pang two-time MVP Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks at Gresya.


Kasama rin niya sa listahan ng "Hellas" ang mga kapatid na Thanasis at Kostas. Si 6'4" Thomas Walkup ang kanilang naturalized player.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page