top of page
Search

Tourist visa lang, nag-guest sa ASAP… CHLOE, IPINADE-DEPORT SA AUSTRALIA

BULGAR

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Oct. 23, 2024



Photo: Chloe Anjeleigh San Jose / FB


Ayon sa ulat ng HumanHarmony.PH, kinukuwestiyon ng mga kinauukulan o awtoridad ang GF ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose kung paano ito nakapag-perform sa ASAP Natin ‘To a month ago gayung wala raw itong working visa sa ngayon? 


Australian citizen umano si Chloe kung saan ito nakabase. 

Sumikat si Chloe dahil sa pagkaka-link nito sa two-time gold medal champion na si Carlos Yulo.


Isa pang tinitingnan ng Immigration ay kung bakit naging endorser pa ito ng skin care product gayung “alien” pa raw ang status nito sa Pilipinas kung tutuusin?


Ayon sa batas, hindi puwedeng magtrabaho sa ating bansa ang isang ‘tourist visa’ passport holder.


Ayon kay Atty. Wilfredo Garrido, “Hindi s’ya dapat nagtatrabaho (rito) kaya dapat siyang i-deport.”

❖🙰❖🙰❖


Nagtapos na ang Kapuso Afternoon seryeng Abot-Kamay Na Pangarap (AKNP) na pinagbidahan nina Jillian Ward at Carmina Villarroel.


Pinalitan ito ng bagong serye, ang Forever Young (FY) nitong Lunes, October 21, na pinagbibidahan ng PMPC’s Star Awards for Movies Best Child Performer 2023 (for Firefly) na si Euwenn Mikael.


Ayon sa report, disappointing daw ang ratings ng kanilang final episode na nagtala lamang ng 9.6%.


Medyo nakasama umano ang spoiler ng serye dahil nalaman ng mga tagasubaybay ng drama series kung ano ang magiging ending. 


Paalala naman ng ilang kritiko, hindi raw gaanong bongga ang viewership ng mga shows tuwing Sabado, na kahit ang It’s Showtime (IS) ay hindi rin ganu’n kabongga ang rating. Naka-6.9% lamang ito at ang katapat nitong Eat… Bulaga! (EB) ay 3.6% naman.


❖🙰❖🙰❖


“ANG hiling ay pag-asa kung may pananampalataya,” ‘yan ang mensahe ng Team Vice Ganda, Karylle, at Ryan Bang sa kanilang Magpasikat 2024 performance nitong Lunes, October 21.


Ibinahagi ng tatlong hosts ang personal nilang karanasan sa buhay at mahal sa buhay. 

Sa saliw ng kanyang original song, inialay ni Karylle ang performance sa late father niyang si Dr. Modesto Tatlonghari, as she portrayed an angel descending from the sky.


“Sana marinig n’ya ‘yung kantang ginawa ko para sa kanya,” ani Karylle.


Para naman kay Ryan, who has always been open about his family situation, ibinahagi nito kung paano siya nawalan ng pag-asa noon that his wish of having a simple dinner with his Korean parents ay hindi natupad. 


To his surprise, he got his wish when they were able to share a meal together with his fiancée, Paola Huyong.


“Ngayon, naniniwala ako sa hope. Noong bata ako, ‘di ako naniniwala,” sey niya habang nire-recall ang memorable time with his parents and Paola. 


Sey pa ni Ryan, “Sobrang saya ko nakita ko si Mommy na tumatawa sa joke ng daddy ko. Natupad ‘yung hinihingi ko kay Lord na simpleng dinner. Nakakita ako na may posibilidad pala na may pag-asa ‘yung dating hope ko.”


Ni-recall naman ni Vice ang mga challenges that she went through in the past months at ishinare kung paano niya nai-manage ang hope beyond doubt and fear.

“Ang hope ko na sana ‘pag naulit ‘yan, sana, hindi ako sumuko. Kung susuko man ako, susuko ako sa Diyos, susuko ako sa Kanya,” ani Vice. 


Dagdag niya, “Sana katulad ng lagi niyang ginagawa, ipanalo Niya ako, ipanalo Niya tayo.”

“It was such a beautiful reminder of hope,” comment naman ni Anne Curtis.

0 comments

コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page