ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | December 28, 2023
Isa sa mga kinaugalian nating mga Pilipino ang paggamit ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Ngunit taon-taon ay marami sa ating mga kababayan ang naaaksidente dahil sa paputok.
☻☻☻
Ayon sa Department of Health, nasa 52 kaso na ng fireworks-related injuries ang naitala ngayong holiday season, bago pa man ang Bagong Taon.
Dalawampu’t apat sa mga kasong ito ay naitala mula Pasko hanggang Dec. 26, 6 a.m., batay sa DOH.
☻☻☻
Dahil sa aksidenteng maaaring mapulot mula sa mga paputok, nagpahayag si Interior Secretary Benhur Abalos ng pagnanais na magkaroon ng total ban sa firecrackers sa pagdaos ng selebrasyon ng Bagong Taon.
Aniya, dapat magpasa ng ordinansa ang mga local government unit na nagbabawal sa paggamit ng mga firecrackers sa mga bahay-bahay at iba pang espasyo. Hinimok rin niya ang mga LGU na mag-sponsor na lamang ng community viewing ng mga fireworks display.
☻☻☻
Suportado natin ang panawagang ito.
Maraming mas ligtas na alternatibo upang maisagawa natin ang nakasanayang pag-iingay sa Bagong Taon.
Nar’yan ang mga torotot, pagkalembang sa mga kaldero at mga bell, pagpalakpak, pagpapatugtog ng musika, pagkanta sa videoke, atbp.
Mas may dalang suwerte ang makatawid tayo sa Bagong Taon na ligtas at malusog kaysa masaktan dahil sa paggamit ng magastos na paputok.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
ความคิดเห็น