top of page
Search
BULGAR

Torotot at pito, bawal sa Pasko at Bagong Taon! — DOH

ni Lolet Abania | December 10, 2020




Hindi ipinapayo ng Department of Health (DOH) sa publiko ang paggamit ng torotot para sa pagsalubong sa Pasko at Bagong Taon dahil sa maaaring pagmulan ito ng COVID-19 transmission.


Sa halip, iminungkahi ni DOH Sec. Francisco Duque III na gumamit ng alternatibong pagsasaya at pag-iingay tulad ng drums at busina ng mga sasakyan.


“Maliban sa paputok, iwasan din natin ang mga paggamit ng mga torotot at mga katulad nito upang mapigilan natin ang posibleng pagkakahawa sa COVID-19 at iba pang sakit,” sabi ni Duque sa isang press briefing para sa Christmas campaign ngayong Huwebes.


“Humanap tayo ng ibang alternatibo sa paputok gaya ng mga tambol, busina o 'di kaya pagpalakpak,” dagdag ng kalihim.


Hindi tulad ng mga nakalipas na taon, ipinapayo ng ahensiya na dapat nang iwasan sa ngayon ang ganitong klase ng pampaingay dahil maaaring ang Coronavirus ay mailipat sa pamamagitan ng mga torotot.


Ayon kay DOH Usec. Myrna Cabotaje, ang mga ganitong instrumento ay posibleng maging sanhi para maisalin-salin ang laway ng gagamit nito sa iba.


“Huwag po tayong gagamit ng pampaingay na gumagamit sa bibig that will cause the transfer of saliva,” sabi ni Cabotaje sa press briefing.


“So 'yung mga pito (whistle), ‘yung mga torotot, bawal po ngayon 'yan. Kailangan naka-mask pa rin at nagso-social distancing,” dagdag niya.

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page