top of page
Search
BULGAR

TOPS: Handball, target ang gold o podium sa SEAG

ni Gerard Peter - @Sports | June 11, 2021




Pakay ng national handball team na malampasan ang nakamit na karangalan sa nagdaang edisyon ng Southeast Asian Games patungo sa pagsisimula ng kanilang ‘bubble training camp’ sa darating na Hulyo sa Pagudpod, Ilocos Norte, bilang paghahanda sa Vietnam meet ngayong taon.


Hindi man alintana ng mga naglalabasang balitang maipagpapaliban ang 31st na edisyon sa Hanoi Games, determinado ang pangkat ng 10-man team na mahigitan ang bronze medal finish sa nakalipas na 2019 SEAG sa bansa.


Naghihintay na lamang ng pag-apruba ang national sport association (NSA) nitong Philippine Handball Federation (PHF) sa isinumiteng kahilingan sa Philippine Sports Commission (PSC) na itulak ang training camp sa Hulyo 1 sa Villa del Mar Resort, kung saan idinaraos din ng national beach volleyball team ang kanilang sariling bubble camp training.“Napakalaki na chance natin na muling magka-podium finish o gold medal,” pahayag ni coach Luz Pacubas, Huwebes ng umaga sa weekly TOPS Usapang Sports on Air. “Base sa last SEAG, yung nakalaban natin ang powerhouse na Thailand, natalo lang tayo ng 1 point sa isang set, habang sa Vietnam naman ay 2 points lang, so mako-consider na ang Vietnam ay nag-qualify sa world stage kaya tingin ko may laban tayo,” dagdag nito sa programang suportado ng PSC, Games and Amusement Board (GAB) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).


Tanging sa men’s beach category lamang makalalahok ang Pilipinas mula sa apat na events na binubuo ng men’s at women’s indoor games at women’s beach division.


Before ng pandemic may indoor naman tayo, actually sumali tayo ng 2018 sa Youth at Junior team kung saan nag-silver tayo sa youth team, tapos nung 2019 may women’s indoor team tayo na nag-bronze sa international tourney sa junior team, ngayon medyo nag-stop tayo ng training para sa indoor games kaya naka-focus lang tayo sa beach category,” paliwanag ni Pacubas. “Ang na-approved lang kase sa atin ngayon ay ang men’s beach handball, pero may women’s team tayo kaso nag-break lang sila (pansamantala dahil sa Covid-19).

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page